wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quizizz 1 Sekswalidad

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ang sekswalidad ay isang banal na bahagi ng ating pagkatao.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang pagtatalik ay nararapat lamang isagawa ng 2 taong may basbas ng kasal na naglalayong bumuo ng kanilang sariling pamilya.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang panghahalay ay labag sa batas at ito ay may karampatang kaparusahan ngunit, pinawawalang bisa ang kasalanan kung mag- aalok ng kasal sa biktima.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ito ay tumutukoy sa mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanunuod o nagbabasa.

a)

Pagtatalik bago ang kasal

b)

Pornograpiya

c)

Pang-aabusong Seksuwal

d)

Prostitusyon

5.

Ito ay pang-aabuso na ginagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal.

a)

Pornograpiya

b)

Prostitusyon

c)

Pang-aabusong Seksuwal

d)

Pakikipagtalik bago ang kasal

6.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paraan upang mapangalagaan at mapapahalagahan ang iyong sekswalidad?

a)

Sa pagsubok ng mga bagay na interesado ka kahit ito ay sekswal na gawain.

b)

Pagbibigay respeto sa sarili at sa kapwa, maging anuman ang kanilang kasarian.

c)

Pagpasok sa isang sekswal na ugnayan dahil ito ang iyong tunay na nararamdaman kahit hindi pa ito angkop sa iyong edad.

d)

Magsuot ng mga kasuotan kung saan ka komportable kahit ito ay maikli dahil ito ang nakapagpapaligaya sa iyo at nasa uso ayon sa fashion trend.

7.

Si Mia ay madalas na nagsusuot ng mga kasuotang tulad ng croptop at napakaikling shorts. Nakasanayan niya ring lumabas sa kanilang tahanan gamit ang kasuotang ito. Ngunit dahil dito, siya ay nakatatanggap ng mga pambabastos mula sa mga tambay sa kanilang kanto. Ano ang iyong maipapayo sa kanya?

a)

Sabihin sa kanya na pangit ang kanyang suot.

b)

Sabihin sa kanya na huwag na lamang intindihin ang mga sinasabi ng iba at ipagpatuloy niya ang pagsusuot ng mga nais niyang damit.

c)

Ipaliwanag sa kanya na ganoon lamang talaga mag-isip ang mga tambay sa kanilang lugar.

d)

Ipaliwanag sa kanya na ang pagsusuot ng ganitong uri ng pananamit ay isang uri ng di pagrespeto sa kanyang sarili.

8.

Paano ang pinakawastong pagpapadama ng pag-ibig sa isang tao?

a)

Ang pagyakap at paghalik ng madalas sa iyong iniibig.

b)

Ang ugnayang sekswal ang pinakamabisang paraan ng pagpapadama ng pag-ibig.

c)

Ang pagbibigay ng respeto at paggalang sa taong iyong iniibig at paghihintay sa tamang panahon.

d)

Ang pag-ibig ay hindi kayang ipaliwanag sa salita kaya’t sa paraan na lamang ng pisikal na ugnayan na lamang ito ipadarama.

9.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng pangangasiwa ng iyong sekswalidad?

a)

Naihahanda ang sarili para sa pagiging ganap at seryosong ugnayan

b)

Wala kang dapat na intindihing pananagutan lingid sa iyong sekswalidad

c)

Wala kang pagkakataon na maramdaman ang kasiyahan at mabuhay bilang isang bata

d)

Malaya ka sa anumang damdaming maaring makagulo sa iyo katulad ng pag-aalala, pagsisisi, at pagkabagabag

10.

Mahalaga na mapanatili mo ang iyong kalinisang puri (chastity), puso, isip at kilos, at maglagay ng mga limitasyon sa iyong sarili. Piliin kung ang pahayag na ito ay tama o mali?

a)

Tama, dahil trip mo lang

b)

Tama, dahil ang paggalang ay namumula sa iyong sarili

c)

Mali, dahil ikaw ang dapat masunod sa iyong buhay dahil You Only Live Once

d)

Mali, dahil ito ay nakahahadlang sa iyong kaligayahan