Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Iba’t-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at serbisyo upang ibenta at layunin nitong kumita o tumubo.

a)

Pagnenegosyo

b)

Pakikipagkaibigan

c)

Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan

d)

Pagdalo sa mga pagtitipon

2.

Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at pinanggagalingan ng malaking pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng mga serbisyong panlipunan.

a)

Pagnenegosyo

b)

Pagbubuwis

c)

Pagsali sa mga organisasyon

d)

Pamumuhunan

3.

Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang kanilang pondo para makapagsimula ng negosyo upang magkaroon ng kita sa pamamagitan ng dibidendo.

a)

Korporasyon

b)

Kooperatiba

c)

Isahang pagmamay-ari

d)

Sosyohan

4.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging mapanagutan ng mamamayan?

a)

Pagboto nang tama

b)

Pagbili ng lokal na mga produkto

c)

Tamang pagbabayad ng buwis

d)

Pakikilahok sa pamamahala

5.

Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang nagpapakita ng pagiging makabansa ng isang mamamayan?

a)

Pagboto ng tama at pakikilahok sa proyektong pangkaunlaran

b)

Pakikilahok sa pamamahala sa pagnenegosyo at pagbuo ng kooperatiba

c)

Pagbabayad ng buwis at paglaban sa anomalya at korapsyon

d)

Pakikilahok sa pamamahala

6.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?

a)

Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato

b)

Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng karapat-dapat na maging pinuno

c)

Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan

d)

Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar

7.

Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?

a)

Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan

b)

Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan

c)

Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral

d)

Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura

8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan?

a)

Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan

b)

Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad

c)

Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Sa paanong paraan nagkakaroon ng pagkakaisa?

a)

Pagtanggi sa mga gawaing panlipunan

b)

Matututong makinig sa mga suhestiyon at pangangailangan ng iba

c)

Paggawa ng desisyon na makapagbibigay ng magandang resulta sa sarili kahit ikapahamak ng iba

d)

Paglalaan ng oras at panahon upang siraan at ibaba ang ibang tao

10.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagbubuwis?

a)

Ang pagbabayad ng buwis ay hindi magandang gawain ng pamahalaan

b)

Nakatutulong ito upang makalikom ng salapi ang pamahalaan para magamit sa mga serbisyong panlipunan

c)

Dahil sa pagbubuwis lumiliit ang kita ng mga negosyante at manggagawa

d)

Ang salaping nalikom mula sa buwis ay ginagamit ng mga pinuno ng bansa para sa pansarili nilang pangangailangan

11.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga kung walang pagkakaisa ang mga mamamayan sa isang barangay?

a)

Madaling matatapos ang isang gawain o proyekto

b)

Magiging payapa at masagana ang buong barangay

c)

Magiging magulo at hindi magkakasundo-sundo ang mamamayan

d)

Magkakaroon ng kapanatagan ang bawat isa

12.

Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pag-unlad ng inyong barangay?

a)

Makisangkot sa mga programa at proyektong pampamayanan

b)

Itapon ang mga basura sa ilog at karagatan upang mapanatili ang kalinisan ng barangay

c)

Huwag makipag-usap at iwasan ang kapitbahay upang mapanatili ang katahimikan

d)

Magboluntaryo sa pamimigay ng mga pagkain sa oras ng pangangailangan upang makilala at sumikat sa barangay

13.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kaunlaran?

a)

Pagsasawalang kibo at pananahimik sa mga nangyayaring krimen

b)

Pangunguna at pakikisangkot sa mga gawaing mag-aangat sa kalagayan ng mamamayan sa lipunan

c)

Huwag nang bumoto tuwing eleksyon upang hindi na makadagdag sa mahabang pila

d)

Pagbili sa mga imported na produkto dahil higit itong maganda

14.

Pahayag 1: Ang kaunlaran ay nakasalalay lamang sa kagalingan ng namumuno sa isang bansa.

Pahayag 2: Mahalaga ang pagkakaisa ng lahat ng mamamayan upang makamit ang layuning mapaunlad ang isang bansa.

a)

Tama ang una at ikalawang pahayag

b)

Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag

c)

Mali ang una at ikalawang pahayag

d)

Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag

15.

Pahayag 1. Ang paghingi ng opisyal na resibo sa mga binibili at binabayarang produkto at serbisyo ay nakatutulong sa pag-unlad ng bansa

Pahayag 2: Ang korapsyon at anomalya sa pamahalaan ay kailangang pigilan at labanan.

a)

Tama ang una at ikalawang pahayag

b)

Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag

c)

Mali ang una at ikalawang pahayag

d)

Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag