NEW
Font size
WorksheetsAgham Reviewer
Total questions: 20
Worksheet time: 21mins
Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay na iyong nakikita sa ating paligid. Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay na umuokupa ng espasyo o lugar at mayroong angking bigat.
Matter
Solid
Liquid
Gas
Aling bahagi ng katawan ng ibon ang ginagamit sa paglipad?
Tuka
Paa
Pakpak
Balahibo
Ano ang tawag sa isang anyo ng enerhiya na siyang nagbibigay buhay (power) o nagpapaandar sa mga kasangkapang isinasaksak sa electrical outlet?
Tunog
Liwanag
Init
Kuryente
Alin sa mga sumusunod ang pinagmumulan ng init?
Radyo
Kutsara
Araw
Damit
Malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Maalat ang tubig sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
Dagat
Ilog
Lawa
Talon
Napansin ni Roxanne na naninilaw ang mga dahon ng kanyang mga halaman sa loob ng bahay. Ano kaya ang dapat niyang gawin upang manumbalik ang mga malulusog at berdeng dahon ng halaman?
Itapon na lamang ito sa likod ng bahay.
Gupitin ang mga dahon nito.
Lagyan ng abono ang halaman.
Dalhin ang halaman sa labas ng bahay upang mainitan.
Alin sa mga sumusunod ang wastong paglandas ng tunog mula pinna?
Pinna, ear,canal, eardrum,3 small bones
Pinna, 3 small, bones, ear canal, eardrum
Eardrum,3 small,bones,pinna,ear canal
Ear,canal,pinna,3 small bones ,eardrum
Nasasabi natin ang pagiging matamis ng hinog na mangga at pagiging maasim ng kalamansi dahil sa ____________?
Ang laway sa ating bibig ang tumutukoy sa iba’t ibang lasa ng pagkain.
Ang dila ay may iba’t ibang taste buds.
Ang dila ay may iba’t ibang laki at haba.
Ang bibig ay sensitibo sa iba’t ibang uri ng pagkain.
Anong bagay ang karaniwang puti pero nagiging kulay abo o itim dahil
sa taglay nitong napakaraming patak ng tubig?
Ulap
Ulan
Bahaghari
Araw
Ang iyong nanay ay nagpakulo ng dahon ng Makahiya para sa hypertension. Ano ang ipinakikita nito?
Lahat ng dahon ay ginagawang sabon.
Lahat ng dahon ay ginagamit sa gamot.
Lahat ng dahon ay kinakain.
May mga uri ng dahon na maaaring gamitin sa panggagamot.
Bakit kabilang ang mga tao, hayop at halaman sa mga bagay na may buhay?
Dahil lumalaki sila.
Dahil may limitasyon ang kanilang buhay.
Dahil sila ay tumatanda.
Lahat ng mga nabanggit.
Paano mo maipapakita ang iyong suporta para sa Clean and Green Campaign ng inyong barangay?
Ibahagi sa mga tao ng barangay ang kahalagahan ng mga halaman sa kapaligiran.
Magtanim ng mga puno at halaman sa paligid.
Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga illegal loggers.
Lahat ng nabanggit.
Ang mga kuneho at palaka ay nakakakilos sa pamamagitan ng paglukso o
paglundag. Bakit?
May apat silang mga paa.
Nakapaglalakbay sila sa lupa.
Sila ay may malalakas na likurang bahagi ng paa.
Mayroon silang mahahabang mga paa.
Bakit itinuturing ang balat na may pinakamalaking bahagi na organ sa ating katawan?
Dahil karamihan sa bahagi ng ating katawan ay natatakpan ng balat.
Dahil ito ay may dalawang layers.
Dahil ang katawan ang may pinakamalaking sukat.
Dahil karamihan na organs ay nasa ating katawan ay balat.
Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan nating isaalang- alang ang mga
hakbang pangkaligtasan at mga babala tuwing maulan ang panahon?
Upang makaiwas sa sakit.
Upang maging ligtas ang sarili.
Upang mapanatili ang magandang kalusugan at pangangatawan
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran?
Si Jenna na nagtatapon ng basura sa ilog.
Si Mark na nililinis ang kanal sa tapat ng kanilang bahay.
Si Ana na hindi pinaghihiwalay ang mga basura.
Si Ben na gumagamit ng dinamit sa pangingisda.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng mga pamamaraang pangkaligtasan sa paggamit ng kagamitang de-kuryente?
Alisin sa saksakan ng maseselang kagamitang de-kuryente
kapag patay sindi ang kuryente.
Huwag pagsabaysabayin ang paggamit ng mga
kasangkapang de-kuryente
Tanggalin sa pagkakasaksak ang mga kasangkapan na hindi
naman ginagamit sa loob ng mahabang oras.
Huwag papalitan ang mga luma, punit-punit o nabalatang
kurdon ng mga kasangkapang de-kuryente.
Ang kuryente ay nagbibigay ng init upang makatulong sa iba’t ibang gawain. Alin sa mga sumusunod ang gawaing bahay na ginagamitan ng init?
Pamamalantsa
Paggamit ng aircon
Panonood ng telebisyon
Paglalaba sa washing machine
Si Paulo ay kumakain ng tanghalian. Ano ang tawag sa pangangailangan na ito upang mabuhay?
Paghinga
Pag-inom
Pagkain
Pagpaparami
Bakit mahalaga ang mga halaman sa tao?
Nagiging pagkain ito ng mga hayop.
Naglalabas sila ng oxygen.
Pinipigil nila ang pagguho ng lupa.
Lahat ng nabanggit.
