WorksheetsPart I: Summative Test in Science 3rd Quarter
Total questions: 10
Worksheet time: 50mins
Panahon na naman ng tag-init at madalas gumawa si Amihan ng fruit shake kasama ang kanyang kapatid na si Pirena. Ginagamit nila ang de-kuryenteng blender upang _________ang mga sangkap sa paggawa ng fruit shake.
maglaga
maghalo
magluto
magsaing
Sa panahong ngayon mahalaga ang mga kagamitan gaya ng laptops, tablets at cellphones sa pag-aaral sa online learning. Bukod dito, ginagamit din ito bilang _________________sa mga taong malayo sa atin.
komunikasyon
marinig
malaman
mabasa
Si Anna ay nag-aaral ng kanyang aralin bilang paghahanda sa pagsusulit kinabukasan nang biglang nawalan ng kuryente sa kanilang lugar. Alin sa mga sumusunod na pangungusap tungkol sa paggamit ng kuryente ang may pinakatamang pahayag?
Gumagamit si Anna ng kuryente sa bombilya upang magbigay liwanag.
Gumagamit si Anna ng kuryente sa bombilya para dumilim ang paligid.
Gumagamit si Anna ng kuryente para pumasa siya sa pagsusulit.
Gumagamit si Anna ng kuryente para makatipid.
Dumalaw kayo sa inyong lolo na may kaarawan noong Linggo at maraming handang pagkain. Marami ring pagkain ang ipinauwi sa inyo. Sinabi ng ate mo na kunin mo ang microwave oven upang ___________ ang mga pagkain.
igisa
initin
isahog
lutuin
Madalas ginagamit ni nanay ang washing machine upang mapabilis ang kanyang gawain para makagawa pa ng ibang bagay. Anong gawain sa bahay, ginagamit ang washing machine? .
paglalaba
pagluluto
pagsasaing
pagwawalis
Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa mga bagay na matatagpuan sa ating kapaligiran.
Ang mga tao at hayop ay nangangailangan ng oxygen sa lahat ng pagkakataon.
Ang mga may buhay na bagay ay hindi mamamatay
kung walang tubig.
Ang halaman ay nakakagawa ng sariling pagkain kahit
walang sikat ng araw
Ang lupa ay hindi kailanman kinailangan ng tao, hayop
at halaman.
Alin sa mga sumusunod ang may buhay na nakakatulong sa ating pamumuhay?
bato
dahon
halaman
halaman
Ito ay may malaking tulong sa atin na siyang pananggal ng uhaw at pandilig sa mga tanim.
anyong lupa
anyong tubig
wala sa nabanggit
lahat ng nabanggit
Ito ang siyang nagbibigay ng liwanag sa atin araw-araw at
nakakatulong upang makahinga tayo.
hangin at araw
ulan
bagyo
init
Paano nakakatulong ang mga bagay na may buhay gaya ng
halaman at hayop sa ating pamumuhay?
tumutulong upang mapaganda ang ating paligid
nagbibigay ng pagkain sa ating pang araw-araw
tumutulong sa mga gawaing pagsasaka
lahat ng nabanggit
