wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test - Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (June 17, 2021)

Total questions: 20

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tamang pagpapahalaga at pangangalaga sa sarili maliban sa isa.

a)

pagkain ng tama at masustansiyang pagkain

b)

regular na pag-eehersisyo

c)

gabi-gabing pagpupuyat

2.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paraan upang mapangalagaan mo ang iyong sarili at mga mahal sa buhay mula sa Corona Virus (Covid-19), maliban sa isa.

a)

Madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig

b)

Umiiwas sa matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat at ubo.

c)

Lumalabas ng bahay ng walang suot na facemask o faceshield.

3.

Bakit kinakailangan na magpabakuna ang mga taong nasa wastong gulang?

a)

Upang maprotektahan ang ating mga sarili, at pati na rin ang mga taong nasa paligid natin.

b)

Upang hindi tayo mahuli sa bagong uso ngayong panahon ng pandemya.

c)

Upang makabalik na ulit tayo sa paaralan.

4.

Bakit kailangang pahalagahan natin ang ating buhay?

a)

Dahil marami pa tayong gawain na hindi pa natin natatapos gawin.

b)

Dahil kailangan tayo ng ating mga magulang sa kanilang pagtanda.

c)

Dahil ang buhay ay kaloob ng Diyos at kailangan natin itong alagaan.

5.

Aling islogan ang hindi tumutukoy sa pangangalaga sa sarili?

a)

Kalusugan ay Ingatan, Sakit ay Iwasan

b)

Kumain ng Gulay Upang Humaba ang Buhay

c)

Isang Diwa, Isang Hangarin, Kalikasa'y Ating Kalingain

6.

Tutulong sa mga naging biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pamimigay ng mga lumang damit na hindi na maaaring suotin.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Patutuluyin sa inyong tahanan ang mga kamag-anak na nawalan ng tirahan dahil sa pagputok ng bulkan.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng pandemya, kahirapan, kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng pagmamahal at pagmamalasakit.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Tayo ay nilikha upang ipahayag o ipakilala ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang pagbibigay ng tulong sa mga piniling nasalanta ng bagyo ay nagpapamalas ng pagpapahalaga sa ating kapwa.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Pumupunta sa mga kagubatan upang humuli ng mga hayop na ligaw at nanganganib nang maubos at ipinagbibili sa mga dayuhan.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Pagtirador sa ibong ligaw na nakikitang nakadapo sa punongkahoy.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ibinabahagi sa mga kabataan at pamilya ang kaalaman tungkol sa wastong pagprotekta sa mga hayop na ligaw at nanganganib nang maubos.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Agad na pinatay ng mga tao sa baranggay ang malaking sawa na nangangain ng kanilang alagang manok.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Sumasali sa pagtatanim ng mga puno upang may masilungan ang mga hayop.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Pagtatapon ng mga tuyong dahon sa compost pit para gawing pataba sa mga halaman.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Pagtulong sa pagdidilig ng mga halamanan sa bakuran ng paaralan.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Pinababayaang kainin ng mga alagang aso ang mga tanim na halaman sa inyong bakuran.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Nakikiisa sa mga programa laban sa walang habas na pagpuputol ng mga puno.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ibinubuwal ang mga punong saging upang paglaruan ang mga dahon nito.

a)

TAMA

b)

MALI