NEW
Font size
Worksheets4Q AP Gawain sa Pagkatuto #4
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europe na nagpapakita ng___.
Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle sa Pilipinas
Pagpapalaya sa mga nasasakdal
Pagbibigay ng mga kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga Kastila
Nang binuksan ang Suez Canal, napaikli sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Europe patungo sa ______.
Maynila
Cebu
China
Japan
Itinaguyod ng French Revolution ang konsepto ng ________.
Kalayaan, kaibigan, at kapatiran
Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
Pagkakapantay-pantay, pagmamahalan, at makatao
Kapatiran, kaguluhan, at kagubatan
Ang deklarasyon ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nangyari noong ____.
1913
1819
1813
1713
Ang hindi ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas ay nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon sa mga Filipinong katutubo ng Sarrat, Ilocos Norte noong
_______.
1815
1915
1715
1816
Pinaslang ng mga katutubo ang mga ________ na itinuring nilang kasabwat ng pamahalaang kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.
Peninsulares
Nasyonalismo
Hapon
Principales
Ilan sa mga mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang pamumuhay sa pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig ay mga _____.
Chinese at Spanish mestizo
Japanese at Chinese
Chinese at Americans
Spanish at Americans
Kailan sumiklab ang isang himagsikan ng Spain?
Ika- 18 ng Setyembre 1868
Ika- 20 ng Oktubre 1968
Ika- 17 ngAgosto 1768
Ika- 19 ng Setyembre 1868
Sino ang bagong gobernador-heneral na nakilala sa kanyang liberal na pamamahala sa Pilipinas noong panahon ng nasyonalismo?
Carlos Maria de la Torre
Carlos Romulo
Carlos Garcia
Andres Bonifacio
Sino ang kilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa Pilipinas sa panahon ng nasyonalismo?
Carlos Garcia
Gobernador-Heneral McArthur
Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo
Carlos Maria de la Torre
Ang mga paring Kastila ay kabilang sa mga ordeng panrelihiyon o mga paring Regular samantalang ang mga paring Pilipino naman ay tinaguriang mga paring
Katutubo
Prayle
Regular
Sekular
Ano ang layunin ng Sekularisasyon ng mga Parokya?
Pag-aalis ng karapatan sa mga Pilipino na maging pari.
Mga paring Kastila lamang ang maaaring mamuno sa mga Parokya.
Mga paring Pilipino lamang ang may tungkulin sa mga Parokya.
Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga paring Pilipino at Kastila.
Sino sa mga paring ito ang namuno sa Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas?
Cardinal Antonio Tagle
Padre Jacinto Zamora
Msgr. Pedro Palaez
Pope Francis VI
Dahil sa kalupitang ipinakita ng gobernador- heneral na ito, nagkaisa ang mga Pilipino na mag-alsa sa Cavite noong Enero 20, 1872?
Jose Maria Dela Torre
Miguel Lopez De Legazpi
Ruy Lopez De Villalobos
Rafael de Izquierdo
Ano ang naging bunga ng pagkakahuli sa mga nag-alsa sa Cavite?
Paggarote kina GOMBURZA
Pagbaril kay Dr, Jose Rizal
Pagpatay kay Andres Bonifacio
Pagkakulong kay Donya Teodora
Bakit ikinatakot ng mga paring Regular ang itinatadhana ng Konseho ng trent?
Dahil inalisan sila ng karapatan na mamuno sa mga misa
Dahil pinauwi na sila lahat sa Espanya.
Dahil sila ang namuno sa mga misyon.
Dahil pinahintulutan ang mga paring Pilipino na mamahala sa mga parokya sa bansa.
Ano ang mabuting naidulot ng sekularisasyon sa mga Parokya?
Nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
Nakipagkasundo ang maraming Pilipino sa mga Espanyol.
Nakipagtulungan ang mga mamamayan sa mga paring Pilipino
Lumakas ang tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng pag-aalsa sa Cavite?
Mahigpit na pamamalakad ng mga Espanyol.
Paghahadlang sa sekularisasyon ng mga parokya.
Paglimita sa pamamahayag ng mga Pilipino.
Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang ginawang dahilan ng mga Espanyol sa paghatol ng kamatayan kina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora?
Ninais ng mga Pilipino na manatili sa kapangyarihan ng Espanya.
Ibig ng mga Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya
Nakipagsabwatan ang mga Pilipino sa mga dayuhan.
Inamin ng mga Pilipino na ayaw na nila ng relihiyon.
Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan sa mga Espanyol?
Pagtataksil sa kapwa Pilipino
Pakikipagtulungan sa mga Pilipinong pari
Patuloy na pagbabayad ng buwis
Patuloy na pagtupad sa Polo Y Servicio
