wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSUSULIT 2 IKALAWANG BAHAGI

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang sumusunod ay mga layunin ng pagsulat ng posisyong papel maliban sa ____________.

a)

magpahayag ng paninindigan tungkol sa mahahalagang isyu

b)

himukin ang mga mambabasang umayon sa isang paninindigan

c)

maglahad ng mga ebidensyang magpapatibay sa inilahad na panig

d)

patunayan na tama ang sariling opinyon ng manunulat sa isang isyu

2.

2. Ang ____________ ang magsisilbing direksyon ng isinusulat na posisyong papel.

a)

balangkas

b)

argumento

c)

paksa

d)

layunin

3.

3. Ang sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng posisyong papel maliban sa ____________.

a)

maipamalas ang tiwala sa sarili

b)

maipakitang tama ang iyong posisyon

c)

maipagmalaki ang mga inilahad na katwiran

d)

mailahad ang mga argumento sa subhetibong paraan

4.

4. Ang sumusunod ay mga konsepto tungkol sa posisyong papel maliban sa ito ay ____________.

a)

proseso ng paninimbang

b)

paglalathala upang mabasa ng madla

c)

sadyang obhetibo at may kinikilingan

d)

may ambag sa magandang pagbabago ng lipunan

5.

5. Sa hakbang na ito ng pagsulat ng posisyong papel ay kailangang alamin ang lahat ng posibleng hamon upang mapagtibay ang iyong paninindigan.

a)

Pagpili ng paksa

b)

Hamunin ang iyong napiling paksa

c)

Magsagawa ng paunang pananaliksik

d)

Ipagpatuloy ang pangangalap ng mga matibay na ebidensiya

6.

6. Gumagamit ng mga salitang direkta at payak ngunit hindi balbal upang madaling maunawan ang iyong sulatin. Anong katangian ito ng posisyong papel?

a)

Angkop na tono

b)

Malinaw na paksa

c)

Solidong posisyon

d)

Mapangumbinsing argumento

7.

7. Alin sa sumusunod ang maaaring maging paksa ng posisyong papel?

a)

Bakuna Kontra Covid-19: Pabor o Hindi Pabor

b)

Pagpapatuloy ng Community Pantry

c)

Pagbabalik ng Face to Face Classes

d)

Lahat ng nabanggit

8.

8. Bukod sa pagbibigay ng matalinong pangangatwiran, ano pa ang maaaring ilahad upang higit na makumbinsi ang mga mambabasa sa isinulat na posisyong papel?

a)

Paglalahad ng ebidensiya

b)

Pagpapahayag ng pananaw

c)

Pagpapatibay ng testimonya

d)

Pagbibigay ng solidong opinyon

9.

9. Ito ay isang katangian ng posisyong papel na ipinapaliwanag ang kahulugan at kabuluhan ng isyung paninindigan.

a)

Angkop na tono

b)

Solidong posisyon

c)

Malinaw na paksa

d)

Mapangumbinsing argumento

10.

10. Sa katangiang ito ng posisyong papel ay isinasaalang-alang ang nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan at kontrahin.

a)

Angkop na tono

b)

Malinaw na paksa

c)

Solidong posisyon

d)

Mapangumbinsing argumento

11.

11. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na katangian ng isang Naratibong Ulat?

a)

journal o diary na naglalaman ng pang-araw-araw na gawain o karanasan ng isang tao

b)

kadalasang nilalaman nito ang mga argumento ukol sa isang paksa na tumatalakay sa isang partikular na isyu

c)

dokumentasyon ng mga pangyayaring naganap na maaaring mabalikan kung kakailanganin

d)

nakapaloob dito ang mga ideyang bunga ng pagmumuni-muni o repleksyon hinggil sa isang paksa o pangyayari

12.

12. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang Naratibong Ulat?

a)

mahalagang paksa

b)

may maayos na pagkakasunod-sunod

c)

kawili-wiling simula hanggang wakas

d)

may mahabang-mahabang pamagat

13.

13. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng pamagat ng isang Naratibong Ulat?

a)

maikli, orihinal, kawili-wili, at kapana-panabik

b)

mahaba, orihinal, kawili-wili, at kapana-panabik

c)

maikli, orihinal, kawili-wili, at malikhain

d)

mahaba, orihinal, kawili-wili, kapana-panabik at maligoy

14.

14. Naratibong Ulat ang tawag sa isang dokumentong naglalahad ng kronolohikal na pangyayari sa buhay ng isang tao, hayop, at grupo ng isang tao ukol sa isang partikular na layunin. Aling salita/parirala ang nagpamali sa kahulugan?

a)

kronolohikal

b)

partikular na layunin

c)

pangyayari

d)

hayop

15.

15. Alin sa sumusunod na katanungan ang hindi sinasagot ng isang Naratibong Ulat?

a)

Kailan?

b)

Saan?

c)

Ano?

d)

Gaano?

16.

16. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng kahalagahan ng isang Naratibong Ulat?

a)

makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nangangailangan nito ukol sa isang partikular na paksa at usapin

b)

makapagkuwento ng mga bagay-bagay na papatok sa panlasa ng madla at makapagbigay-aliw

c)

naibibigay nito ang malinaw na daloy ng pangyayaring mula sa imahinasyon ng manunulat

d)

nakapaglalahad ito ng mga pangyayaring nakabatay sa opinyon ng manunulat.

17.

17. Ano ang tawag sa sunod-sunod na ayos ng mga pangyayari sa isang Naratibong Ulat?

a)

Kronolohikal

b)

Banghay

c)

Balangkas

d)

Proseso

18.

18. Sa paanong paraan binabanggit nang ikalawang ulit ang pangalan ng isa sa mga taong kasangkot sa iyong isinusulat na Naratibong Ulat?

a)

Apelyido na lamang

b)

Una at gitnang pangalan

c)

Unang pangalan at apelyido

d)

Buong pangalan

19.

19. Sa paanong paraan binabanggit sa ikalawang pagkakataon ang may kaparehong apelyido ng isa sa mga taong kasangkot sa iyong isinusulat na Naratibong Ulat?

a)

Buong pangalan

b)

Apelyido na lamang

c)

Una at gitnang pangalan

d)

Inisyal ng Unang pangalan at apelyido

20.

20. Alin sa sumusunod ang may wastong paglalakip ng resolusyon sa isang Naratibong Ulat?

a)

Maglalakip lamang ng resolusyon kung ang naging pagpupulong ay naglalayong magkaroon ng paglilinaw, rekomendasyon, at desisyon.

b)

Hindi kailanman nilalakipan ng resolusyon ang isang Naratibong Ulat dahil ang layunin lamang nito ay maglahad ng pangyayaring batay sa pagkakasunod-sunod.

c)

Ang Naratibong Ulat ay pawang pagkukuwento lamang tulad ng isang maikling kuwento na maaaring may resolusyon o wala.

d)

Maglalakip lamang ng resolusyon kung ang naging pagpupulong ay naglalayong magkaroon ng alitan sa mga taong kasangkot.

21.

21. Kinakailangan na mabatid ang katangian ng __________________ sapagkat sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, sila ang nararapat na mabilis na makatugon sa kabuuan ng serbisyo.

a)

target na mamimili

b)

manunulat

c)

nilalaman ng produkto

d)

teknikal na mga salita

22.

22. Mahalagang sistematikong maisaayos ang mga teknikal na salita sa loob ng pangungusap upang __________________.

a)

makatulong sa katangiang taglay ng produkto

b)

makabuo ng isang tuwirang pagpapakahulugan

c)

mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta

d)

makabuo nang maayos na paglalarawan mula sa hinihinging benepisyo ng produkto

23.

23. Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing tungkulin ng mga katawagang teknikal batay sa maayos na paglalarawan?

a)

Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.

b)

Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.

c)

Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.

d)

Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.

24.

24. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon ng isang produkto?

a)

Masuri at makilatis ang isang produkto

b)

Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.

c)

Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.

d)

Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan

25.

25. Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o terminolohiya sa pagbuo ng paglalarawan sa isang produkto? Kailangan ito upang _____________.

a)

makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan

b)

maihanay ang mga ito sa kabuuang disenyo ng produkto

c)

mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto

d)

maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga teknikal na salita