wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Final Examination in GNED 09_Life and Works of Rizal

Total questions: 50

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aralin para sa pamilyang ilustrado?

a)

Aritmetika

b)

Kasaysayan

c)

Pagbasa

d)

Relihiyon

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga paglalarawan ni Rizal sa sinaunang sistema ng edukasyon?

a)

Ang pagtuturo ay mahigpit at strikto

b)

Ang pagbibigay kaalaman ay ipinipilit

c)

Ang pag-aaral ay walang katapusang pagmememorya

d)

Ang mga mag-aaral ay may kalayaan at hindi seryoso sa pag-aaral

3.

Bakit mahalaga si Doña Teodora sa buhay ni Rizal?

a)

Siya ang ina ng bayani

b)

Maraming aral gaya ng kwento ng gamu-gamu ang natutunan ni Rizal mula sa kanya

c)

Siya ang naging unang guro ni Jose

d)

Lahat ng nabanggit

4.

Alin sa mga sumusunod ang naging karanasan sa unang araw ni Jose sa paaralan ng Biñan?

a)

a. Hinatid siya ni Paciano at ipinakilala kay Maestro Justiniano Cruz

b)

b. Pinagtawanan siya ng kanyang mga kaklase gaya ni Pedro na anak ng guro

c)

c. Nanood siya ng pagpipinta sa estudyo ng matandang Juancho

d)

d. A at B

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na hindi palaaway ang batang Rizal ngunit hindi rin naman niya tinatakbuhan ang anumang away.

a)

Hinamon niya si Pedro ng suntukan dahil pinagtawanan siya nito

b)

Araw-araw siyang naglalagi sa estudyo ng pintor

c)

Nakikinig siya ng misa o nag-aaral ng tuwing alas-kwatro ng umaga

d)

a. Binigyan siya ng libreng aralin sa pagpipinta dahil sa kanyang husay

6.

Paano inilarawan ni Rizal ang kanyang araw-araw na buhay sa Biñan?

a)

Payak at may maayos na iskedyul

b)

Komplikado sa dami ng gagawin

c)

Masalimuot na karanasan

d)

Elegante at nakalilibang

7.

Ano ang kaugnayan ni Andres Salandanan sa kwento ng batang Rizal?

a)

Nakalaban ni Rizal ng Piko

b)

Nakalaro ni Rizal ng baril-barilan

c)

Nakalaban ni Rizal ng bunong-braso

d)

Nakalaban ni Rizal sa pagpipinta

8.

Alin ang nagpapatunay na pinakamahusay na mag-aaral si Rizal sa Biñan?

a)

Tinalo niya ang lahat ng kamag-aral sa Espanyol, Latin at iba pang asignatura

b)

Ninais ng kanyang guro na pabalikin na siya ng Calamba sapagkat alam na niya ang mga dapat malaman ng batang katulad niya

c)

Maraming kaklase ang naiinggit sa kanyang talino kaya pinapahamak siya ng mga ito.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

9.

Anong damdamin ang namutawi kay Rizal ng malaman niyang parating na ang barkong Talim sa Binan?

a)

Nagdiwang siya sapagkat makakauwi na siya ng Calamba

b)

Nalungkot siya at namulot ng mga bato sa ilog bilang ala-ala

c)

Nangamba siya na baka hindi na niya makasuntukan si Pedro

d)

Natakot siya kasi hindi niya alam ang laman ng barkong ito

10.

Bakit mahalaga ang sekularisasyon para sa mga Pilipino?

a)

Dahil dito ay maraming Pilipinong pari ang nakatanggap ng donasyon

b)

Dahil dito naging mabuti ang ugnayan ng mga Pilipinong pari at mga Espanyol.

c)

Dahil dito ay nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga pari sa Pilipinas

d)

Dahil dito ay nakilala si Paciano Rizal ng mga Espanyol

11.

Bakit nasangkot si Padre Mariano Gomez sa pag-aalsa sa Cavite?

a)

dahil siya ang pinaghihingahan ng sama ng loob ng mga taga-Cavite

b)

dahil naging biktima siya ng isang mistaken identity

c)

dahil ginamit ni Francis Saldua ang kanyang pangalan upang dumami ang

d)

dahil ninais niyang maging kura-paroko sa lalawigan ng Laguna

12.

Bakit nasangkot si Padre Jose Burgos sa pag-aalsa sa Cavite?

a)

dahil siya ang pinaghihingahan ng sama ng loob ng mga taga-Cavite

b)

dahil naging biktima siya ng isang mistaken identity

c)

dahil ginamit ni Francis Saldua ang kanyang pangalan upang dumami ang

d)

dahil ninais niyang maging kura-paroko sa lalawigan ng Laguna

13.

Bakit nasangkot si Padre Jacinto Zamora sa pag-aalsa sa Cavite?

a)

dahil siya ang pinaghihingahan ng sama ng loob ng mga taga-Cavite

b)

dahil naging biktima siya ng isang mistaken identity

c)

dahil ginamit ni Francis Saldua ang kanyang pangalan upang dumami ang

d)

dahil ninais niyang maging kura-paroko sa lalawigan ng Laguna

14.

Ano ang naging dulot ng pagbitay sa tatlong paring martir sa mgakapatid na Rizal?

a)

Galit na galit si Paciano sa pagbitay sa kanyang guro na si Jose Burgos

b)

Huminto sa pag-aaral si Paciano at nagbalik ng Calamba

c)

Naging inspirasyon ito ni Rizal upang labanan ang tiraniya ng Espanya

d)

Lahat ng nabanngit ay tama.

15.

Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

a)

Upang makagawa ng isang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas

b)

Upang isiwalat ang kawalang hiyaan at kasakiman ng mga Espanyol

c)

parehong tama ang pagpipilian

d)

parehong mali ang pagpipilian

16.

Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang plano ng mga Pilipino sa pagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Dahil walang nag-ambag na mga Pilipino kaya mag-isang sumulat si Rizal

b)

Dahil maraming Pilipino ang gusting maghimagsik

c)

Dahil maraming Pilipino ang walang kakayahang sumulat

d)

Dahil wala silang magamit na panulat at papel.

17.

Paano nagkakaroon ng konsepto ng bansa ayon kay Benedict Anderson sa Imagined Communities?

a)

Kailangang magkaroon ng kamalayan ang mga tao na may iisang problema

b)

Kailangan ay parepareho ng kinakain sa almusal

c)

Kailangang nagtutlungan sa paglutas ng problema sa Covid.

d)

Kailangang magsagawa ng Social Distancing

18.

Bakit itinatanggi ni Rizal na mayroon siyang katauhan sa Noli Me Tangere?

a)

Sapagkat gusto niyang maging bahagi ng susunod na nobela na El FIlibusterismo

b)

Sapagkat ang pananaw lamang ng iba’t-ibang tao ang inilagay niya sa kwento

c)

Sapagkat marami sa mga tauhan ay malupit.

d)

wala sa nabanggit

19.

Ang kaugalian ang inilagay ni Rizal sa katauhan ni Elias sa nobela?

a)

Ang paghihimagsik ay dapat may malinis na hangarin

b)

Kinakailangang mag-ingat at maging palaging handa

c)

Manatiling mapagkumbaba sa kapwa tao

d)

Mapang-abuso at sakim.

20.

Ang kaugalian ang inilagay ni Rizal sa katauhan ni Crisostomo Ibarra sa nobela?

a)

Ang paghihimagsik ay dapat may malinis na hangarin

b)

Kinakailangang mag-ingat at maging palaging handa

c)

Manatiling mapagkumbaba sa kapwa tao

d)

Mapang-abuso at sakim.

21.

Ang kaugalian ang inilagay ni Rizal sa katauhan ni Pilosopo Tasyo sa nobela?

a)

Ang paghihimagsik ay dapat may malinis na hangarin

b)

Kinakailangang mag-ingat at maging palaging handa

c)

Manatiling mapagkumbaba sa kapwa tao

d)

Mapang-abuso at sakim.

22.

Naging ambag ba ang Noli Me Tangere sa nasyonalismong Pilipino?

a)

Oo, dahil napag-usapan ng mga Pilipino ang mga suliranin sa lipunan

b)

Oo, dahil pinipilit tayong aralin ang buhay ni Rizal

c)

Hindi, sapagkat ito ay nakasulat sa wikang Espanyol

d)

Hindi, sapagkat limitado lamang ang bilang ng kopya

23.

Alin sa mga sumusunod ang posibleng nangyari sa relasyon ni Padre Damaso at Donya Pia Alba?


a)

Pinagsamantalahan ni Padre Damaso si Donya Pia Alba

b)

Ginamit ni Padre Damaso ang pagiging pari upang makuha ang gusto niya

c)

Posibleng nahulog ang loob ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso dahil madalas wala si Kapitan Tiago

d)

Lahat ng ito ay nabanggit ni Prof Xiao na posibleng dahilan

24.

Ano ang implikasyon matapos makita si Maria Clara sa bubong ng kumbento?

a)

Pinagsamantalahan siya ni Padre Salvi

b)

Nagpapalipad siya ng saranggola sa bubong ng kumbento

c)

Nagpapakubli siya dahil kasali sa larong tagu-taguan

d)

Siguro ay mataas ang baha at kailangan nilang lumikas

25.

Bakit ayaw tanggapin ni Padre Magin Fernando si Jose Rizal sa Ateneo?

a)

a. Huli na sa pagpapatala

b)

b. Maliit at sakiting bata si Rizal

c)

c. Parehong tama ang A at B

d)

d. Parehong mali ang A at B

26.

Bakit naging mahalaga si Manuel Xerez Burgos sa pagpasok nito sa Ateneo?

a)

Siya ang tumulong na makapasok si Rizal

b)

Siya ang nagpakilala ng maraming dalaga para kay Rizal

c)

Siya ang nagluluto ng almusal ni Rizal

d)

Siya ang nagsasagot ng mga takdang-aralin ni Rizal

27.

Bakit Rizal ang ginamit niyang apelyido sa halip na Mercado sa kanyang pag-aaral sa Maynila?

a)

Gusto kasi niyang maging sosyal ang dating ng kanyang apelyido

b)

Nagkamali lamang siya ng pagpapatala sa paaralan

c)

Nakita niyang sikat na apelyido ito para sa mga kabataang katulad niya

d)

Upang hindi siya pagsuspetsahan ng mga opisyal ng Espanya

28.

Alin sa mga sumunsunod ang rason kung bakit mas nakalalamang ang sistemang Heswita sa sistema ng edukasyon?

a)

Gumagamit sila ng matinding disiplina at instruksiyong panrelihiyon.

b)

Itataguyod nito ang kulturang pisikal, humanidad at siyentipikong pag-aaral.

c)

Bukod sa mga kursong pang-akademiko tungo sa Batsilyer ng Sining, may mga kursong bokasyonal sa agrikultura, komersiyo, pagmemekaniko at pagseserbey.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama

29.

Ano ang dahilan kung bakit inihahalintulad si Rizal kay Joseph ng Bibliya?

a)

Hinalintularan ni Doña Teodora sa kanyang anak na si Rizal dahil sa kakayahan nitong magpaliwanag ng mga panaginip.

b)

Sapagkat madasaling bata si Rizal

c)

Sapagkat pareho sila ng kaarawan

d)

Sapagkat deboto ang mag- ina sa patrong ito

30.

Alin sa mga sumusunod na mga aklat ang hindi nakaimpluwensiya kay Rizal sa pag-aaral niya noong siya ay nasa Ateneo?

a)

The Count of Monte Cristo

b)

Universal History

c)

Travels in the Philippines

d)

Noli Me Tangere

31.

Ang Ateneo de Manila ay Kilala noon bilang Escuela Pia, paaralan sa Maynila na para sa mga kalalakihan na itinatag noong1817 at di kinalauna’y naging Ateneo de Manila noong 1859.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Kumuha si Rizal ng eksamen sa Unibersidad ng Santo Tomas at siya pumasa ngunit noong siya’y nagbalik sa Calamba upang makapiling ang kanyang pamilya, ang kanya ama ay nagbago ng isip at siya ay pinagpasyahang pag-aralin sa Ateneo de Manila.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ang Imperyong Romano ay binubuo ng mga internos o mga mga-aaral na nangangasera sa loob ng bakuran ng Ateneo.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ang Imperyong Carthagena ay binubu ng mga externos o mga mag-aaral na nangangasera sa labas ng bakuran ng Ateneo.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Dekuryon ang tawag sa pinakamahusay na estudyante sa bawat imperyo

a)

Tama

b)

Mali

36.

Rayadillo ang itinawag sa material na ginamit sa Amerikana na uniporme sa Ateneo.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Si Padre Jose Bech ang naging unang propesor ni Rizal sa Ateneo.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Nag-aral si Rizal sa Kolehiyo ng Santa Isabel ng wikang Espanyol sa kanyang bakanteng oras

a)

Tama

b)

Mali

39.

Larawang relihiyoso ang unang premyo ni Rizal na ibinigay sa kanya bilang pinakamatalinong mag-aaral sa klase.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Si Choleng ang panganay sa magkakaptid na Rizal na nakasal kay Manuel Hidalgo ng Tanauan, Batangas

a)

Tama

b)

Mali

41.

Ang Universal History ni Alexander Dumas ay nabasa ni Rizal sa Ateneo.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Si Padre Francisco de Paula Sanchez ang naging inspirasyon ni Rizal sa mag-aral ng mabuti at sumulat ng tula.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Pinayuhan siya ni Padre Sanchez na tumigil na sa pakikipag-usap sa mga Musa at sa halip ay pagtuunan ang mga asignaturang praktikal

a)

Tama

b)

Mali

44.

Nag-aral si Rizal ng pagpinta kay Agustin Saez at eskultura naman kay Rumaldo de Jesus.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Naglaan rin si Rizal ng panahon sa palakasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng gymnastics at pag-eeskrima.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Si Felix Roxas ay isa sa mga kapanahon ni Rizal na nagkwento ng isang anekdota tungkol sa insedenteng nagpapakita sa pagiging mapagpatawad ni Rizal.

.

a)

Tama

b)

Mali

47.

Mi Primera Inspiracion ang unang tula na isinulat ni Rizal na alay para sa kanyang ina.


.

a)

Tama

b)

Mali

48.

Si Segunda Katigbak ang unang minahal ni Rizal noong siya ay 16 na taong gulang pa lamang.


.

a)

Tama

b)

Mali

49.

Ipaliwanag ang inyong sagot mula APAT hanggang LIMANG pangungusap.


Alin sa mga katangiang ipinamalas ni Rizal ang dapat taglayin ng isang kabataang katulad mo? Paano ito makatutulong sa paglutas ng kasalukuyang usapin sa lipunan ng bansang Pilipinas? Ipaliwanag.


(Content – 3 Organization of ideas-2 Relevance to the Topic- 1)

4 lines
50.

Ipaliwanag ang inyong sagot mula APAT hanggang LIMANG pangungusap.


Sa palagay mo, may epekto ba sa kasaysayan ng Pilipinas ang naging hatol na kamatayan kay Jose Rizal ng mga Espanyol? Kung nabuhuhay si Rizal sa kasalukuyang panahon, papayag pa kaya siya na mabaril sa Luneta para sa mga kapwa niyang Pilipino sa kabila ng ating magkakaibang pananaw sa buhay? Bigyang paliwanag ang iyong sagot.


(Content – 3 Organization of ideas-2 Relevance to the Topic- 1)

4 lines