wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Noli Me Tangere Benchmarking

Total questions: 25

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bakit binalaan ng Tinyente ng guardia civil si Padre Damaso na makararating ang kanyang ginawa sa Kapitan-Heneral?

a)

Dahil sa pagsasabi ni Padre Damaso ng mga kawalang galang na salita sa Kapitan- Heneral

b)

Dahil pinahiya ni Padre Damaso si Crisostomo Ibarra sa harap ng mga bisita ni Kapitan Tiyago

c)

Dahil hindi pinayagan ni Padre Damaso na dumalo sa hapunan si Maria Clara na ikinasama ng loob ng dalaga

d)

Dahil binastos ni Padre Damaso si Tinyente Guevarra ng minsang ito’y dumalo sa isang handaan

2.

“Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,” ang kuwento ni Tinyente Guevarra kay Crisostomo. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang erehe?

a)

isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan

b)

isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal

c)

isang taong lumalabag sa batas ng simbahan

d)

isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan

3.

Ano ang ibig sabihin ng pag-upo sa kabisera ng hapag-kainan?

a)

May-ari ng bahay

b)

Panauhing-pandangal

c)

May pinakamataas na posisyon sa mga bisitang dumalo

d)

Pinakamayaman sa lahat ng bisitang dumalo

4.

Ano ang layon ni Don Rafael ng pagpapaaral kay Ibarra sa ibang bansa?

a)

Upang maiangat sa kahirapan ang pamumuhay ng kaniyang pamilya

b)

Upang malampasan niya ang karunungan ng mga prayle

c)

Upang mailayo siya kay Maria Clara

d)

Upang maihanda siya sa kaniyang tungkulin

5.

Kung ang namumuno sa kirinal ay ang hari ng Italya, sino naman ang sa San Diego?

a)

alperes ng guardia civil

b)

Kapitan-Heneral

c)

gobernadorcillo

d)

kura

6.

Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang nakapaloob sa quotation marks sa pangungusap? “Napatigalgal" si Padre Damaso nang dumating si Kapitan Tiyago kasama ang isang binatang nakaluksa.

a)

Nagalit

b)

Natigilan

c)

Nalungkot

d)

Naguluhan

7.

Ano ang ipinapahiwatig ng pagpapanatiling bansot ng mga punong Talisay sa liwasan ng San Gabriel?

a)

Hindi pag-unlad ng Maynila

b)

Matagal ng hindi umuulan

c)

Tamad mag-alaga ang mga hardinero

d)

Hindi angkop ang mga puno sa lupaing yaon

8.

Bakit nabilanggo ang ama ni Ibarra?

a)

Hindi sinasadyang napatay niya ang isang maniningil ng buwis.

b)

Hindi sinasadyang napatay niya ang isang batang lalaki.

c)

Sinadya niyang patayin ang isang maniningil ng buwis.

d)

Sinadya niyang patayin ang isang batang lalaki.

9.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?


"Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan, kaya't ikaw ay paroon sa kanilang bayan upang tumuklas ng ginto."

a)

Magtrabaho sa ibang bansa kasi mas malaki ang sahod doon

b)

Mag-aral ng mabuti sa ibang bansa at dalhin ang natutunan dito sa Pilipinas.

c)

Pumunta ng ibang bansa upang maghanap ng ginto

d)

Mangibang-bansa upang yumaman

10.

Bakit tinanggal ng Kapitan-Heneral si Padre Damaso sa San Diego?

a)

Hindi na siya nagustuhan ng mga tao.

b)

Napakatagal na niya sa bayan ng San Diego

c)

Iniutos niya ang muling paghuhukay ng isang libingan ng isang marangal na tao.

d)

Ang mga matatandang kababaihan lamang ang pumunta sa simbahan.

11.

Bakit nasabi ni Crispin na sana magkasakit siya nang matagal?

a)

Gusto ng magpahinga ni Crispin.

b)

Pagod na si Crispin sa kahirapan ng kaniyang pamilya.

c)

Ayaw ni Crispin na tumulong sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Basilio.

d)

Upang maalagaan siya ng kaniyang ina at huwag nang pabalikin sa simbahan

12.

Ayon sa matandang pari, bakit lalong makabubuti para sa kanilang korporasyon na maging kaaway si Ibarra?

a)

Sa ikapapanuto ng korporasyon

b)

Nais nilang pabagsakin si Ibarra

c)

Upang hindi sila magkatuluyan ni Maria Clara

d)

Sapagkat sagabal si Ibarra sa mga plano ng mga pari

13.

Ano ang kaugnayan ni Ibarra sa matandang Español na nasa alamat ng bayan ng San Diego?

a)

Kalolololohan ni Ibarra

b)

Lolo sa tuhod ni Ibarra

c)

Lolo ni Ibarra

d)

Tiyo ni Ibarra

14.

Bakit nakapananamantala ang mga Tsino sa mga magsasaka at negosyanteng Pilipino?

a)

Walang pinag-aralan ang mga Pilipino

b)

Napakabait ng mga Pilipino

c)

Hangal at may masasamang bisyo ang mga Pilipino

d)

Mga Tsino lamang ang bumibili sa kalakal ng mga Pilipino

15.

Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?


"Ang magandang babae ay isang palamuti lamang, ngunit ang mabuting babae ay isang kayamanan."

a)

Hindi importante ang kagandahang panlabas ng isang babae kundi ang kagandahang loob nito.

b)

Importante ang mga pampaganda sa mukha ng isang babae at ng gumanda rin ang kalooban nito.

c)

Importante ang kagandahang panlabas ng isang babae at hindi ang kagandahang loob nito.

d)

Mahalaga ang kagandahan ng isang babae sapagkat ito ang kaniyang yaman.

16.

______________ sa kaniyang mukha ang pagdurusang dinaranas.

a)

Mababakas

b)

Nilustay

c)

Namana

17.

Ang mga anak ni Sisa ay napagbintangang mga ______________.

a)

nilustay

b)

panghihilakbot

c)

magnanakaw

18.

Sinasabi na sa ama raw ______________ ang kasamaan ng magkapatid.

a)

utang na loob

b)

namana

c)

naibsan

19.

Ang ______________ ay bulwagan ng mga nagpupulong at nagpapasya.

a)

matatalim

b)

tribunal

c)

mababakas

20.

Natatakot ako sa ______________ at malulungkot na matang nakatitig sa akin.

a)

matatalim

b)

tribunal

c)

mababakas

21.

Walang awang ______________ ng Kura ang nanginginig at takot na takot na bata.

a)

mababakas

b)

tribunal

c)

hinahagupit

22.

______________ ang pag-aalala ni Sisa kay Crispin nang sabihin ni Basilio na ito ay buhay pa.

a)

Naibsan

b)

Nilustay

c)

Hinahagupit

23.

Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama, ______________ na ng asawa ang mga pera ni Sisa.

a)

Naibsan

b)

Nilustay

c)

Hinahagupit

24.

Ganoon na lamang ang kaniyang ______________ nang matanaw ni Sisa ang dalawang guardia civil sa labas ng kaniyang dampa.

a)

utang na loob

b)

mababakas

c)

panghihilakbot

25.

Ipinagtapat ng Guro na marami siyang ______________ sa ama ni Ibarra; kung paano siya kinupkop at binigyan ng mga kailangan sa ikauunlad ng pagtuturo.

a)

utang na loob

b)

namana

c)

panghihilakbot