Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IBONG ADARNA WEEK 4

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Pinaglabanan ni Cristina (Kathryn Bernardo) ang pagkabigong nararamdaman habang nakikita niya sa kanyang harapan si Joaquin na nagpahayag ng pag-ibig kay Alex.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

labis na pagkatuwa

b)

labis na kasabikan

c)

labis na sakit

2.

Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na makita ang loob ng balon.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

matinding pagkatakot

b)

matinding pagkabagot

c)

matinding pagkagusto

3.

Pinigil ni Donya Juana ang nararamdaman kay Don Juan at nagkunwaring namumuhi.

Ano ang kasalungat ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

natutuwa

b)

nagagalit

c)

nagugutom

4.

Di mapakali si Ryan (Daniel Padilla) sa pagnanais na maging kasintahan na niya si Alex (Liza Soberano), kung kaya't sa daan na niya ito niligawan.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

di mapalagay

b)

di malaman

c)

di makasagot

5.

Ang kinapapalooban nating pandemyang ito ay nakapagpabago ng pamamaraan ng edukasyon o pag-aaral. Nakababagot ngunit kailangan nating ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ano ang kasalungat ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

nakakatamad

b)

nakakakaba

c)

nakakasabik

6.

Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala ng naiwang salaghati sa kanyang puso.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

inggit

b)

sama ng loob

c)

kalungkutan

7.

Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng salamisim.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

kahiwagaan

b)

malungkot na alaala

c)

masasayang alaala

8.

Hindi na pinigilan pa ni Alex (Liza Soberano) ang kanyang nararamdamang pagmamahal kay Ryan (Daniel Padilla) kung kaya't sinuklian niya agad ng matamis na "yes" ang panliligaw nito.

Ano ang kasalungat ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

pagkatuwa

b)

pagkamuhi

c)

pagkagutom

9.

Nanggilalas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya Juana.

Ano ang kahulugan ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

nahiya

b)

namangha

c)

ninerbiyos

10.

Pasasaan ba't matatapos din ang pananalasa ng Covid-19 sa ating bayan. Umaasa ako na magbabalik ang lahat sa dati maliban lamang sa ilang malungkot na kaganapan.

Ano ang kasalungat ng saloobin o damdamin ng salitang may salungguhit.

a)

masaya

b)

sumusuko

c)

malungkot