wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tayahin

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.


Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpakikita ng pagmamahal sa kapwa?

a)

Magbigay ng limos sa pulubi sa daan.

b)

Magsimba tuwing Linggo.

c)

Tumulong sa nasunugan/nabahaan.

d)

Samahan ang mga barkada sa pamamasyal.

2.

Piliin ang letra ng tamang sagot.


Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas

na_________. Aling salita ang angkop sa pahayag?

a)

mabuti

b)

matapang

c)

madaya

d)

maagap

3.

Piliin ang letra ng tamang sagot.


Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating tandaan na hindi tayo kailanman pababayaan ng _______________.

a)

Maykapal

b)

kamag-aral

c)

kaibigan

d)

kamag-anak

4.

Piliin ang letra ng tamang sagot.


Dapat nating tandaan na anoman ang ginawa natin sa ating _________ ay parang ginawa na rin natin sa Diyos. Ano ang dapat ipuno sa pahayag?

a)

sarili

b)

kapaligiran

c)

kapwa

d)

kaibigan

5.

Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapwa ay nakapagpapaunlad din sa ________ng tao. Ano ang angkop na salita na ipupuno sa pahayag?

a)

kasikatan

b)

espiritwalidad

c)

kagalingan

d)

katalinuhan

6.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpakita ng paggalang ng pananampalataya?

a)

Natatawa si Conrad kapag nakikita niyang nakataas ang kamay ng pinsan niya kapag kumakanta kung may Bible Service.

b)

Nakapatay o naka “silent mode” ang cellphone ni Amy pag dumadalo sa misa.

c)

Nakikinig sa sermon ng pari o ministro si Ernesto

d)

Sumasabay sa pag-awit ng papuri si Marnela.

7.

Ano ang tawag sa isang paglalakbay ng mga kapatid na Muslim sa Banal na

Siyudad ng Mecca?

a)

A. Pag-aayono

b)

B. Zakat

c)

C. Pilgrimage o Haj

d)

D. Haddiyah

8.

Alin sa mga sumusunod ang dapat mong iwasang gawin?

a)

A. Magbigay ng ikapu sa simbahan

b)

B. Maglaro ng games sa cellphone habang may misa.

c)

C. Magbigay ng abuloy sa kapitbahay na namatayan.

d)

D. Sumali sa mga programa ng Parokya para sa kabataan.

9.

Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa kapwa?

a)

A. Magtulungan sa paglilinis ng kalsada sa harap ng bahay.

b)

B. Magkatulong sa pagtatanim ng mga halaman sa bakanteng lote sa tabi ng bahay.

c)

C. Magbigay ng tulong pinansiyal sa mga naging biktima ng bagyo

d)

D. Lahat ng nabanggit

10.

Ang buhay ng tao ay hindi palaging nasa karangyaan o laging nasa kahirapan. Ito ay parang gulong minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw at pag-asa?

a)

A. Nagkulong sa kuwarto si Celso dahil nalugi ang kaniyang aegosyo at hindi na siya nakakausap.

b)

B. Naglaslas ng pulso si Nora dahil bumagsak siya sa LET.

c)

C. Nagtatrabaho sa araw bilang food crew si Rex at sa gabi, nag-aaral siya sa kolehiyo.

d)

D. Naglayas sa kanilang bahay si Fred dahil hindi siya binilhan ng tatay niya ng motorsiklo.