wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 9 “Mga Mapamiliang Track sa Senior High School!”

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga pansariling salik na kinakailangang bigyang pansin sa pagpili ng kurso sa SHS o kolehiyo, MALIBAN sa:

a)

Mithiin

b)

Talino

c)

Hilig

d)

Katayuang Pinansyal

2.

Ito ay tumutukoy sa mga pagdaraanang pagsasanay, pag-aaral, posisyon sa trabaho at iba pang paghahanda upang makamit ang ninanais na uri ng pamumuhay o career goal.

a)

Career Path

b)

Certification

c)

College Degree

d)

Career Development

3.

Upang makagawa ng mabuting pasiya, maaaring isagawa ang mga sumusunod na hakbang, MALIBAN sa:

a)

Magkalap ng kaalaman.

b)

Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.

c)

Magnilay sa ginawang kilos.

d)

Sundin ang payo ng kaibigan.

4.

Bakit mahalagang pag-aralang muli ang ginawang pasiya?

a)

Upang malaman ang pagkakamaling nagawa.

b)

Upang siguraduhin na sang-ayon ito sa inaasahan ng iyong pamilya at lipunan.

c)

Upang mawala ang agam-agam sa ginawang pasya o maging bukas sa posibilidad na magbago ng pasya tungo sa mabuting kinabukasan.

d)

Upang masigurado na magiging maayos ang lahat ng plano.

5.

Ang ______________ ay pagsusuri kung ang napiling propesyon, trabahong teknikal-bokasyunal o negosyo na kasama sa Key Employment Generators ay tugma sa pangarap at mga pansariling salik.

a)

Career Exploration

b)

Job Analysis

c)

Career Path

d)

Career Goal

6.

Alin sa mga sumusunod ang hakbang na maaari mong gawin bilang paghahanda sa pagpili ng SHS track/strand?

a)

Pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay.

b)

Pagkuha ng National Career Assessment Examination.

c)

Pagsusuri ng Key Employment Generators at in-demand na trabaho.

d)

Lahat ng nabanggit.

7.

Ang imaheng ito ay naglalarawan sa Career Path na nananatili ng panghabambuhay habang lumalago ang kaalaman at kasanayan sa iisang trabaho lamang.

a)
b)
c)
d)
8.

Si Francisco Moreno Domagoso o mas kilalang Yorme Isko ang kasalukuyang Mayor ng Lungsod ng Maynila. Bago siya naging Mayor, siya ay unang nanungkulan bilang Konsehal ng District I at kalaunan ay naging Vice Mayor ng lungsod. Ang mga pulitiko tulad ni Yorme ay mayroong Career Path na ____________.

a)

Steady State

b)

Linear

c)

Transitory

d)

Spiral

9.

Ang trabahong propesyunal ay nangangailangan ng lisensiya at kadalasang kinukuha sa loob ng 4-6 taong kursong akademiko. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hanay?

a)

Teacher

b)

Architect

c)

Nurse

d)

Cashier

10.

Hindi matatawaran ang ambag ng mga Skilled Workers sa larangan ng paggawa, serbisyo at pag-unlad ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kanilang hanay?

a)

Carpenter

b)

Baker

c)

Social Worker

d)

Factory Worker

11.

Ang mga nagtapos ng SHS track na Teknikal-bokasyonal ay maaaring makatanggap ng sertipiko o katibayan na tinataglay ang mga kinakailangang kasanayan ayon sa hinihinging pamantayan ng TESDA. Ito ay maaaring gamiting kwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho. Ito ay ang _________________.

a)

High School Diploma

b)

National Certification

c)

Certificate of Awards

d)

Immersion Certificate

12.

Si Yeona ay Grade 11 na sa pasukan. Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging Inhinyero. Nais niyang maging matagumpay na Civil Engineer sa loob at labas ng bansa. Alin sa mga sumusunod na SHS strands ang angkop na kunin niya?

a)

STEM

b)

ABM

c)

HUMSS

d)

GAS

13.

Kinagigiliwan ni Ryen ang lohika at matematika. Matataas ang kanyang mga grado at magtatapos na with High Honors ng ABM strands. Alin sa mga sumusunod na kurso sa kolehiyo ang angkop na kunin niya?

a)

Bachelor of Science in Nursing

b)

Bachelor of Science in Accountancy

c)

Bachelor of Science in Fine Arts

d)

Bachelor of Science in Medical Technology

14.

Nais ni Venus na muling itayo ang kanilang Bakery. Ito ang kanyang gustong maging negosyo. Mahusay siya sa paghawak ng pera at mahilig rin sa pagluluto. Upang higit na mapaghandaan ang kanyang pagnenegosyo, alin ang angkop na strand na kanyang dapat kunin?

a)

Housekeeping

b)

Industrial Arts

c)

Bread and Pastry

d)

HUMSS

15.

Madalas mapagsabihan si Gomer ng kaniyang Tatay dahil sa lagi nitong pag-bubutingting ng mga sirang appliances sa bahay. Natatakot sila na makuryente ito. Ngunit, nagpatuloy ang hilig na ito ni Gomer. Ano ang tugmang SHS strand kay Gomer?

a)

Masonry

b)

Electronic Products Assembly and Servicing

c)

Carpentry

d)

Electrical Installation Management

16.

Ayon kay Sean Covey, ang _________________ ay tila kredo o paninindigan nating prinsipyo kapag tayo ay dumaraan sa pagsubok sa buhay. Mabuting gabay ito sa pagpapasiya na gagawin sa hinaharap.

a)

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

b)

Pangarap

c)

Motto

d)

Quotes

17.

Ang Senior High School ay paghahanda para sa ________________.

a)

Pagtuloy sa kolehiyo.

b)

Paghahanapbuhay.

c)

Pagnenegosyo.

d)

Lahat ng nabanggit.

18.

Ang mga sumusunod na konsepto ay tumutukoy sa Bokasyon, MALIBAN sa:

a)

Ito ay naaayon sa plano ng Diyos sa atin.

b)

Ito ay kalagayan na naaayon sa inaasahan sa atin ng lipunan.

c)

Nakasalalay dito ang pagkamit ng tunay na kaligayahan.

d)

Ang katuparan ng mga pangarap ay nakaugnay sa ating pinipiling bokasyon.

19.

Si Ryko ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, nakapasa agad siya sa board exam. Ngunit, napagtanto niya na nais niyang maging pulis. Bukal sa kalooban niyang tatanggapin ang hamon ng pagseserbisyo para sa kaayusan at kapayapaan ng lipunan. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gawin?

a)

Mag-aral muli, kumuha ng BS Criminology.

b)

Panindigan ang tinapos na kurso. Mag-apply na Nurse sa Ospital.

c)

Huwag na munang magtrabaho, mag-isip muli.

d)

Mag-apply na sa PNP, dahil siya ay tapos na ng 4 na taong kurso at mayroon nang lisensya.

20.

Kailangan sa mga in-demand na trabaho sa hinaharap ang mga 21st Century Skills. Kabilang dito ang Kasanayan sa Pagkatuto at Paggawa ng Inobasyon. Ito ay ang mga sumusunod, MALIBAN sa:

a)

Critical Thinking

b)

Creativity

c)

Communication

d)

Cultural Skills