wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4 Quiz FILIPINO 6

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Ang cellphone niya ay bago.

a)

Pangngalan

b)

Pang-uri

2.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Malambot ang buhok ni Gracelyn.

a)

Pangngalan

b)

Pang-uri

3.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Masiglang sumasayaw si Pamela Jane.

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

4.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Siya ay kumakanta habang naglalalba..

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

5.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit.


Masarap at matamis ang kanyang ginawang buko salad.

a)

Pang-uri

b)

Pandiwa

6.

Nakakatuwa na patuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-aaral kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya.

a)

A. OPINYON

b)

B. REAKSIYON

7.

Naniniwala ako na nararapat na bigyan ng pansin ng DOH ang kampanya laban sa iba pang nagbabadyang sakit tulad ng tigdas, polyo at dengue dahil sa mga naitalang kaso sa ibat ibang lugar sa Pilipinas.

a)

A.OPINYON

b)

B. REAKSIYON

8.

Para sa akin, hindi masamang maglaro ng mobile games ang mga mag-aaral. Nangangailangan lamang ng sapat na disiplina sa paglalaro ng mga ito.

a)

A. OPINYON

b)

B. REAKSIYON

9.

Nakakalungkot isipin na may mga estudyanteng hindi nagpatuloy ng pag-aaral kahit mayroong iba’t ibang modalities na isinasagawa ang Kagawaran ng Edukasyon tulad ng module, on-line-classes, telebisyon at iba pa.

a)

A. OPINYON

b)

B. REAKSYION

10.

Sa ganang akin, nararapat lamang na magpokus ang mga estudyante sa kanilang pag aaral at hindi sa pagkagumon sa on-line games.

a)

A. OPINYON

b)

B. REAKSIYON

11.

Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon.

1. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

12.

2. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pagpupulong.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

13.

3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang sa angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na nakatingin sa kanya. “Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?” tanong ng kambing. Sagot ng lobo, “Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago dito?” Lumundag sa balon si Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng kambing ang lobo at nakalabas siya sa balon.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

14.

Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.

a)

piksyon

b)

di-piksyon

15.

Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng Karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahihirap

a)

piksyon

b)

di-piksyon

16.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. Ang mga mamamayan ay nakinig sa pamahalaan

B. kaya't napigilan ang paglaganap ng sakit.

a)

A

b)

B

17.

Piliin ang sanhi sa mga sumusunod na pangungusap:


A. nagpasya ang kinauukulan na manghuli na ng mga lumalabag sa batas

B. hindi na mapigilan ang mga tao sa paglabas ng bahay

a)

A

b)

B

18.

Ibigay ang sanhi:

Ang isang bayani ay hinahangaan ___________________.

a)

sapagkat ito ay handang tumulong samga inaapi.

b)

kaya siya sikat, lalo na sa mga bata.

c)

kung kaya marami ang umaasang darating siya.

d)

kasi nakakaaya ang kanilang pisikal na anyo.

19.

Tinaas ni Zia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro.

a)

Bunga

b)

Sanhi

20.

Masikip na ang lumang sapatos ni Sam kaya bumili na ng bago ang kanyang tatay.

a)

Bunga

b)

Sanhi