WorksheetsPANAPOS NA PAGSUSULIT
Total questions: 15
Worksheet time: 3mins
Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mamamayan upang sila’y magbuklod at
labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Kolonyalismo
B. Imperyalismo
C. Merkantilismo
D. Nasyonalismo
Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng Nasyonalismo?
A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
C. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas
D. Wala sa nabanggit
Ito ay galing sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Merkantilismo
D. Nasyonalismo
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga
ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda. Ang ilustado ay tumutukoy sa ____.
A. nakapag-aral na mga Pilipino
B. anak ng mga mayayaman
C. mga Espanyol
D. mga matatapang na Pilipino
Anong bansa ang hindi kabilang sa Indochina?
A. Cambodia
B. India
C. Vietnam
D. Laos
Ang pagpapatupad ng ___________ ng Kanluranin sa China at ang pagpilit ng Estados Unidos ng Open Door Policy sa Japan ay mga patunay na dumanas ng imperyalismo ang Silangang Asya.
Propaganda Movement
Sphere of Influence
rebolusyon
People’s Republic of China
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga _________.
Tsino
Hapones
Indochina
Taiping
Niyakap ng mga _________ang impluwensiyang Kanluranin upang magpalakas ng puwersa.
Tsino
Hapones
Indochina
Taiping
Pakikipagdigma ang naging tugon ng _________ laban sa kolonyalismong Kanluranin.
Tsino
Hapones
Indochina
Taiping
Nagtayo ng Rebolusyon (KKK) at ___________ ang Pilipinas na ang layunin ay isiwalat ang mga suliraning kinahaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol.
Sphere of Influence
rebolusyon
Propaganda Movement
Taiping
Layunin ng Rebelyong ___________ na mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa China.
Sphere of Influence
rebolusyon
Propaganda Movement
Taiping
Dahil sa pagtatatag ng _____________, napalayas ng mga komunistang Tsino ang mga Kanluranin at muling nakamit ang kalayaan.
People’s Republic of China
rebolusyon
Propaganda Movement
Taiping
Ganap na nakamit ng mga Indonesian ang kalayaan dahil sa isang matagumpay na ________na kanilang inilunsad matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
People’s Republic of China
rebolusyon
Propaganda Movement
Taiping
Ang samahang itinatag ni _________na Anti - Facist People’s Freedom League ay hindi nagtagumpay na mapatalsik ang mga Hapones.
People’s Republic of China
rebolusyon
Propaganda Movement
Aung San Suu Kyi
Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga taga _______ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na Kanluranin.
Sphere of Influence
Indochina
Propaganda Movement
Aung San Suu Kyi
