NEW
Font size
WorksheetsQ4 Quiz ESP 6
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
Ispiritwalidad
Pananampalataya
Panalangin
Pag-ibig
Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo
maliban sa:
Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.
Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
Alin sa mga gawain sa ibaba ang nagpapakita ng nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad?
Palaging nagdadasal upang humingi ng tawad at pasasalamat sa Diyos
Paglahok sa mga gawain na makakatulong sa kapwa tulad ng community pantry
Pagbabasa at pag-unawa sa nilalaman ng bibliya kesa magML o mag-online gaming
Lahat ng nabanggit
Bilang isang miyembro ng inyong pamilya, paano mo hihikayatin na patuloy na paunlarin ang ispiritwalidad sa loob ng inyong tahanan?
A. Pangungunahan ko ang pagdadasal bago kumain upang magpasalamat sa mga biyayang kaloob ng Diyos
B. Turuan ang nakababatang kapatid ng mga bible stories sa oras ng pahinga
C. Magpaalam sa magulang na payagan kang maglaro sa labas bahay kase niyaya ka ng iyong kalaro
A at B
Simula nung nagkaPandemya, limitado lamang ang maaring pumunta sa mga simbahan at ibang pang sambahan. Paano mo patuloy na isasabuhay ang iyong pananampalataya bilang salamin ng iyong maunlad na pagkatao?
Dumalo na lamang sa mga online or virtual mass gathering tanda ng pagsunod at kaligtasan
Magpumilit sa pagdalo sa loob ng simbahan
Wag na lang sumimba kahit kelan
Manood na lang kung kelan gusto makapakinig ng misa
Napansin mo na tinitawanan ng iyong nakababatang kapatid ang pagdarasal ng iyong kapitbahay na Muslim, ano ang iyong gagawin?
Sasawayin ko sya
Paliliwanagan ko siya nang maayos upang igalang nya ang banal na gawain ng aking kapitbahay
Ipapakita ko sa kanya ang tamang asal upang maging Mabuti sa aming kapitbahay kahit iba ang relihiyon ng mga ito
Lahat ng nabanggit ay wasto
Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.
Anong katangian ng Diyos ang tinutukoy sa pahayag na ito: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat ng napapagal at nabibigatan, at kayo’y pagpapahingahin Ko.”
a. Matapat
b. Mapagbigay
c. Mapagpatawad
d. Mapagmahal
Palasimba at relihiyoso si Zuriel. Paano niya maipakikita sa publiko ang kabutihan ng kanyang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos?
a. Magpakita ng pagmamalasakit sa kapwa at kapaligiran.
b. Magpatuloy sa pagsisimba at pagiging relihiyoso.
c. Magbasa palagi ng Banal na Salita ng Diyos.
d. Ugaliin ang regular na pananalangin
Sa paanong paraan mo mapananatiling matibay ang iyong pagkakakilala sa Diyos? Sa pamamagitan ng ______.
a. patuloy na pag-aaral ng salita ng Diyos
b. Pagdarasal nang regular
c. pakikipagkaibigan
d. pagkukumpisal
Ang pananampalataya ay kombinasyon ng paniniwala, pananalig at pagtitiwala sa Diyos. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kaisipang ito?
a. Palaging nakikibahagi si Nathalia sa mga gawaing pangsimbahan upang magkaroon ng maraming kaibigan.
b. Mahusay sa pakikipagdebate si Enoch tungkol sa nilalaman ng Bibliya dahil siya ay palasimba.
c. Matapos manalangin nang taimtim, muling nakipagsapalaran si James sa paghahanap ng trabaho.
d. Magaling makahanap si Kaydee ng solusyon sa kanyang mga problema
Ano ang kahalagahan ng pananalangin bilang tungkulin ng isang mananampalataya?
a. Nagpapatibay ng pananampalataya
b. Nagdudulot ng positibong katugunan sa mga suliranin
c. Naipaaabot niya sa Diyos ang lahat ng nais niyang sabihin.
d. Natutugunan niya ang sariling pangangailangan sa panalangin.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, maliban sa:
a. Pagmamahal sa sarili lamang
b. Pangangalaga sa kalikasan
c. Paggalang sa karapatang pantao
d. Pagkamasunurin
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay tanda ng pagtugon sa paniniwala na mahal tayo ng Diyos, ang pahayag ay _____.
a. Tama, dahil ang buhay ay puno ng pagsubok. Nararapat na magkaroon tayo ng positibong pananaw sapagkat ang mga ito ay susubok sa ating katatagan bilang tao.
b. Tama, sapagkat mas maganda na mag-isip ng positibong bagay kaysa negatibo.
c. Mali, sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakatutulong ang positibong pag-iisip sa tao.
d. Mali, dahil may mga bagay na hindi mababago kahit maging positibo pa ang iyong pananaw sa buhay
Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mesahe ng Diyos sa kaniyang buhay
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita
Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagdama ng presensiya ng Diyos maliban sa:
a. Pagdama ng presensya ng Diyos sa kalikasan
b. Pagdama ng presensya ng Diyos sa kabutihang-loob ng kapuwa
c. Pag-upo at pananatili ng ilang minuto sa loob ng pook sambahan
d. Pagdama sa presensya ng Diyos sa oras ng katahimikan
Ang nagsasabi na “Iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay _______.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
b. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.
d. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa.
Bagaman matagumpay na sa kanyang buhay si G. Reyes, buong puso pa rin siyang magbigay ng tulong sa mga kapuspalad.
Nagrereklamo at hindi sumusunod si Sam sa mga utos at pangaral ng kaniyang mga magulang.
