NEW
Font size
Worksheets4th Quarter Summative Test in Filipino
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Basahin at unawain ang mga pangungusap sa
ibaba.Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay salitang may diptonggo
o may klaster.
1. Matitibay ang mga kasangkapan na gawa sa kahoy
A. Klaster
B. Diptonggo
Mabilis ang pagpatak ng tubig sa gripo
A. klaster
B. Diptonggo
3. Si Rona ay mahusay sumayaw
A. Klaster
B. Diptonggo
4. Napakaganda ng kanyang blusa.
A. klaster
B. Diptonggo
5. Araw-araw akong ________ng gulay at prutas.
A. kumain
B.kumakain
C.kakain
6.Noong nakaraang Linggo ay __________natin ang Araw ng mga Ama.
A. ipinagdiwang
B. ipinagdiriwang
C. ipagdiriwang
7. Ako at ang aking kapatid ay ______________bilang paghahanda sa nalalapit na pagsusulit.
A. nag-aral
B. nag-aaral
C. mag-aaral
8.Tukuyin kung alin sa grupo ng mga salita ang salitang hiram.
A. hotdog
B. saging
C. tinapay
D. gatas
9.Tukuyin kung alin sa grupo ng mga salita ang salitang hiram.
A.bintana
B. pintuan
C.sahig
D. gate
9.Tukuyin kung alin sa grupo ng mga salita ang salitang hiram.
A. lobo
B. payaso
C. cake
D. regalo
11. Tukuyin kung alin sa grupo ng mga salita ang salitang hiram.
A. laptop
B. lapis
C. papel
D. gunting
Piliin ang letra ng angkop na kahulugan ng tambalang salita sa bawat bilang.
12. Ang hitsura ng lalaking nakita ko sa ospital ay buto’t balat
A. mataba
B. gutom na gutom
C. saranggola
D. payat na payat
13.Pagiging mananahi ang hanapbuhay ng aking ina
A. bahay
B. palaro
C. trabaho
D.hapag-kainan
14.Siya ay nagsumikap sa buhay dahil siya ay isang anak-pawis.
A. lupa
B. may kaya
C. mayaman
D.mahirap
Piliin ang angkop ng solusyon para sa mga sumusunod
na suliranin
Suliranin:
15. Hindi nagsusuot ng face mask ang ilan sa mga kapitbahay mo tuwing lalabas ng bahay.
A. Huwag na lamang silang pansinin
B. Isumbong sa kinauukulan.
C. Kausapin ng mahinahon at ipaliwanag ang kaakibat na panganib sa hindi pagsusuot ng face mask
Suliranin:
16.Ipinapapasa ng iyong guro ang modyul sa Filipino sa darating na Biyernes ngunit hindi ka pa natatapos dito.
A. Ipapasa ko ang modyul kahit hindi ko pa ito natatapos
B. Papasagutan ko sa nakakatatanda kong kapatid.
C. Matiyaga ko itong tatapusin
17. Suliranin:
Narinig mo sa balita na bawal pang lumabas ang batang katulad mo ngunit may nais kang bilhin sa tindahan.
A. Tatakas ako kapag ayaw akong payagan.
B. Makikiusap ako sa mas nakatatanda sa akin na ibili ako sa tindahan.
C. Mag-iiyak ako para payagan akong lumabas.
Tukuyin ang paksa sa bawat sanaysay. Piliin ang letra ng tamang sagot.
18.Likas na magalang ang mga Pilipino. Ang pagmamano sa matatanda ay nagpapakita ng pagiging magalang. Pagsasabi ng po at opo ay hindi kinakalimutan. Ikinararangal ng bawat magulang ang mga anak na taglay ang magandang asal na pagiging magalang.
A. Ang pagiging mabait ng mga Pilipino.
B. Ang pagiging mapagmahal ng mga Pilipino.
C. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino.
19.Anong kaugalian ang taglay ng bawat pamilyang Pilipino?
A. Pagiging magalang
B. Pagiging masayahin
C. Pagiging mapagmahal
20.Saang bahagi mababasa ang paksa ng talata.
A. Unang bahagi
B. Gitnang bahagi
C.Huling bahagi
