WorksheetsGRADE THREE
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Anong bagay ang nagbibigay ng init at enerhiya sa tao, hayop at halaman?
ARAW
BUWAN
ULAP
BULALAKAW
May bituin na kulay dalandan, puti, dilaw, pula at asul. Ano ang ipinapakita tungkol dito?
Ang mga bituin ay may iba’t ibang laki.
Ang mga bituin ay nakikita tuwing gabi.
Ang mga bituin ay may iba’t ibang kulay.
Ang mga bituin ay may iba’t ibang hugis.
Ito’y makikita pagkatapos ng ulan. Nabubuo ito dahil sa maliliit na patak ng tubig na nasisinagan ng araw.
ULAP
BAHAGHARI
ARAW
BULALAKAW
Anong bagay ang karaniwang puti pero nagiging kulay abo o itim dahil sa taglay nitong napakaraming patak ng tubig?
ARAW
BAHAGHARI
ULAN
ULAP
Kung walang araw, ang mundo ay magiging napakalamig at ________
Napakadilim
Napakainit
Napakalaki
Napakaliwanag
Ito’y likas o natural na bagay na tinatawag ding shooting star sa kalawakan
Bulalakaw
Buwan
Bituin
Aurora
Natatanging likas na buntabay (satellite) ng daigdig. Nagbabago ang kanyang yugto o phases tuwing gabi.
BITUIN
AURORA
BUWAN
BULALAKAW
Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap.
ULAN
ULAP
BAHAGHARI
ARAW
Ito ay natural na bagay na matatanaw o makikita lamang sa ibang bansa tuwing gabi at winter?
BULALAKAW
BUWAN
BITUIN
AURORA
Ang bahaghari ay may pitong kulay o ROYGBIV kung tawagin. Ano ano ang mga ito?
7- Red, Pink, Yellow, Green, Blue, Indigo, Violet
7- Red, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo, Violet
7- Maroon, Orange, Yellow, Green, Blue, Pink, Violet
7- Brown, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo, Violet
