WorksheetsPAGGALANG (EsP-Q2W3) - 20 ITEMS
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Kakauwi mo lamang galing paaralan nang makita mo ang iyong lolo na nakaupo sa kanyang tomba-tomba at masaya kang sinalubong, ano ang iyong gagawin?
a. Lalagpasan na lamang ito
b. Magmamano
c. Magkukunwaring hindi ito nakita
2. Araw ng linggo, isinama ka ng iyong ina sa simbahan upang magsimba, habang naglalakad patungong simbahan nakasalubong mo ang iyong dating guro. Ano ang iyong gagawin?
a. Babati ng “magandang araw po”.
b. Magtatago sa likod ng iyong ina
c. Makukunwaring hindi napansin
3. Ikaw ay nagmamadaling magtungo sa CR dahil ikaw ay sobrang naiihi na ngunit nakita mong mahaba ang pila. Ano ang iyong gagawin?
a. Sisingit sa pila
b. Makikiusap sa mga kamag-aral kung maaaring mauna
c. Lalagpasan sila at didiretso na agad sa loob
4. Binigyan ka ng pasalubong ng iyong ama na galing sa ibang bansa, ano ang iyong dapat sabihin?
a. Maraming salamat po, daddy!
b. Ito lang po?
c. Wala na po bang iba?
5. Ikaw ay nalate sa unang araw ng pasukan at nakita mong nasa loob na ng silid-aralan ang iyong guro at handa ng magsimula, ano ang iyong dapat gawin?
a. Pumasok nang basta-basta at magmadaling umupo sa upuan.
b. Humingi ng paumanhin sa iyong guro at sabihin ang totoong dahilan kung bakit nalate.
c. Hindi na lang pumasok at mag-cutting.
6. Sa oras ng klase, nakita mo ang dalawa mong kaklase na naglalaro ng cellphone at hindi nakikinig sa iyong guro. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Paluin sila sa braso at kuhanin ang kanilang cellphone.
b. Isumbong sa guro ang kanilang ginagawa.
c. Pagsabihan ang iyong kaklase na mali ang kanilang ginagawa at dapat silang makinig sa kanilang guro.
7. Ikaw ay nasa loob ng tren kasama ang iyong ina. Ngunit dahil maraming tao sa oras na iyon ay iisa na lang ang bakanteng upuan at ikaw ang pinaupo ng iyong ina doon, ano ang dapat mong gawin?
a. Ibigay sa iyong ina ang upuan at hayaang siya na lang umupo at ikaw ang tatayo.
b. Magpasalamat sa iyong ina at umupo sa upuan habang siya ang nakatayo.
c. Ibigay sa iba ang upuan at samahan ang iyong ina na tumayo.
8. Habang nagtuturo ang iyong guro sa klase ay naramdaman mo na kailangan mong pumunta sa kubeta, ano ang dapat mong sabihin upang hindi ka maka-istorbo sa klase?
a. “Mam, excuse me po, maari po ba ang akong pumunta sa cr?”
b. “Mam, naiihi na po ako! Labas lang po ako saglit!”
c. “Mam, lalabas ako!”
9. Maaari mong maipakita ang iyong paggalang sa pamilya at kapwa sa pamamagitan ng mga magagalang na kilos at pananalita.
TAMA
MALI
10. Maging magalang ka lang dapat sa mga piling taong gusto mong galangin.
TAMA
MALI
11. HINDI mahalagang matutunan ang paggalang dahil bata ka pa lamang. Tsaka na lang, kapag may libreng oras ka na.
TAMA
MALI
12. Ang mga pantawag gaya ng “lolo”, “lola”, “ate”, “kuya”, “tito”, “tita”, at mga salitang “po”, “opo”, “pakiusap”, at “salamat”, ay mga halimbawa ng magagalang na pananalita.
TAMA
MALI
13. Ang paggalang ay pagpapakita ng respeto sa mga nakatatanda at sa kapwa ring bata.
TAMA
MALI
14. Ang bawat isa sa atin ay may karapatang igalang at tungkuling gumalang.
TAMA
MALI
15. Ang pagmamano sa ninang tuwing pasko lamang ay kailangang ugaliin ng mga bata.
TAMA
MALI
16. Ang pagyuko kapag may dalawang taong nag-uusap ay isang paraan upang maipakita ang paggalang.
TAMA
MALI
17. Pagsabi ng "po" at "opo" sa nakatatanda
Iguhit ang masayang mukha (🙂) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa kapwa o sa pamilya at malungkot na mukha (🙁) naman kung hindi.
🙂
🙁
18. Pagmamano sa magulang at sa lahat ng nakatatanda
🙂
🙁
19. Pakikipag-away sa kapwa
🙂
🙁
20. Pagiging madamot sa kapatid
🙂
🙁
