NEW
Font size
WorksheetsKalikasan, Biyaya ng Diyos na Dapat Pangalagaan!
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang maaaring mangyari kung magpapatuloy ang hindi maayos na
pangangalaga para sa kalagayan sa ating kapaligiran?
A. Unti-unting masisira ang ating kapaligiran at maaapektuhan ang
kalusugan natin.
B. Ang ating kapaligiran ay lalong gaganda.
C. Ang ating kapaligiran ay magiging malinis.
D. Ang ating paligid ay magiging sentro ng turismo.
Ito ay mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligiran MALIBAN sa isa. Ano
ito?
A. Katamaran
B. Maaksayang paggamit ng mga bagay sa ating paligid.
C. Pagpapanatiling malinis ng paligid ng mga tao.
D. Pagtapon ng basura sa paligid.
Ano ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
A. Tumulong sa paglilinis sa paligid at itapon sa tamang tapunan ang
mga basura.
B. Magtapon ng balat ng pinagkainan kung saan-saan.
C. Pumitas ng mga halaman sa pampublikong pasyalan kapag walang
nakakakita.
D. Bata pa ako kaya hindi ko iyan obligasyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Pagtapon ng basura sa ilog.
B. Pagsunog ng mga puno sa bundok.
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
D. Pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan.
Dapat ba nating pangalagaan ang kalikasan? Bakit?
A. Hindi po, dahil wala naman akong nakukuha sa kanila.
B. Opo, dahil hindi tayo mabubuhay kung wala sila.
C. Opo dahil ang mga ito ay bigay galing sa Diyos.
D. Ang B at C ay tama.
Nakita mong kumakain ng sitsirya ang iyong kaibigan, nang bigla niyang
itinapon ang balat nito sa daan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagwalang-bahala ang iyong nakita.
B. Aaawayin ko siya.
C. Gagayahin ang ginawa niya.
D. Sasabihan ko na hindi tama ang kaniyang ginagawa at maaaring
bumaha sa inyong lugar kung patuloy niyang gagawin ang pagtatapon
ng basura kahit saan.
Nagkaroon ng programa ang inyong Barangay patungkol sa paglilinis ng
estero na malapit sa inyo. Sila ay nanghihingi ng tulong mula sa kanilang
nasasakupan at isa ka roon. Ano ang maaari mong gawin?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Susuportahan ko ang kanilang programa ngunit hindi ako tutulong sa
kanila.
C. Ako ay boluntaryong sasali sa programa upang maging malinis ang
estero.
D. Wala sa nabanggit.
Ang kalikasan ay nakatutulong sa atin upang tayo ay mabuhay. Ano ang
maaaring mangyari kung sumobra tayo sa paggamit nito?
A. Magkakaroon ng maraming pagkain ang mga tao.
B. Magiging masaya ang buhay dahil paubos na ang mga ito.
C. Mauubos ang mga likas na yaman na pinagkukuhaan natin ng ating
ikinabubuhay.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Ano ang mangyayari kung mayroon tayong malinis na kapaligiran?
A. Magkakaroon nang maayos at malusog na pamumuhay ang mga tao.
B. Magkakasakit lalo ang mga tao.
C. Walang mangyayari.
D. Lahat ng tao ay mawawalan ng pagkukuhaan ng pagkain.
Napansin mong nauubos na ang mga puno sa mga kabundukan. Ano ang
maaaring mangyari kung ito ay patuloy na pinuputol?
A. Magiging maganda ang tanawin sa bundok.
B. Magkakaroon ng pagbaha at flash flood sa mga lugar na malapit dito.
C. Magiging malamig ang simoy ng hangin.
D. Wala sa mga nabanggit.
