NEW
Font size
WorksheetsG5 - FA sa Panghalip (Bahagi 2)
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
1. Marami akong binasang libro para sa book logs namin sa Reading at Filipino noong bakasyon. Binasa ________ ang mga libro sa listahan.
ako
ko
mo
2. Sa Filipino, may limang libro na pinabasa sina Bb. Tayag at Bb. Ponon. ________ ang mga guro sa Ikalimang Baitang.
Sila
Nila
Kayo
3. Noong bakasyon, kasama ko lagi ang kapatid kong si Kenneth sa pagbabasa ng mga libro. _________ ay may book logs din para sa Reading at Filipino.
Ikaw
Siya
Niya
4. Ako, si Juan at si Matthew ay magkakaklase ulit ngayong taon. ________ ay magkakaklase rin noong nakaraang taon.
Tayo
Sila
Kami
5. Sabi ko sa kanila, “Juan at Matthew, mabuti na lang at mga kaklase ko pa rin ________.”
kami
kayo
tayo
6. Ngayong pandemya, bumili si Tatay ng mga bisikleta ko at ni Jenny para matuto kami kapag walang klase. ________ ang mga bisikleta.
Akin
Amin
Atin
7. Tuwing Sabado, nagbibisikleta ako at ng aking pamilya para may ehersisyo kami kada linggo.
________ ay nagbibisikleta sa mga parke.
Kami
Tayo
Kayo
8. Minsan, may dinadala pang mga tinapay si Mama. “Ikaw ang may paborito sa tuna sandwich, anak. Sa ________ ang tinapay na ito.”
akin
iyo
kanya
9. Naghahanda rin si Mama ng cheese sandwich para kay Jenny dahil mahilig siya rito. “Sa ________ naman itong may keso.”
akin
iyo
kanya
10. Pagod sina Mama at Papa sa trabaho pero naghahanap silang oras para sa amin ni Jenny. Mahirap sa ________ ang may trabaho pa rin sa panahon ng pandemya.
inyo
kanila
amin
11. Bumili si Mama ng bagong mesa ko para sa XSEL. Ipinakita niya sa akin ang mesa at sinabing, “________ ang bago mong mesa para makapag-aral kang mas mabuti.”
Ito
Iyan
Iyon
12. Nagulat ako dahil ang ganda ng bago kong mesa. Tinuro ko ito at sinabing “Akin po talaga ________?”
ito
iyan
iyon
13. Ang laki nito tingnan kahit na nasa sala kami. “________ natin ilalagay sa kwarto mo mamaya para maayos mo na mga gamit mo.”
Dito
Diyan
Doon
14. Naalala ko ang luma kong mesa. “Paano na po ________ luma kong mesa sa kwarto?”
itong
iyang
iyong
15. Sabi ni Mama, “Ipapalipat na lang natin kay Papa sa garahe mamaya dahil ________ na ang bago mong mesa.
nandito
nandiyan
nandoon
