NEW
Font size
WorksheetsMODYUL 11: KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
1. Ito ay ang pagbabaluktot sa katotohanan, panlilinlang, at pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang may karapatan naman dito.
A. Paghahabi ng kwento
B. Pambubulas
C. Pagsisinungaling
D. Pangloloko
2. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
A. PROSOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. SELF-ENCHANCEMENT LYING o Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na maipahiya, masisi o maparusahan
C. SELFISH LYING o Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
D. ANTISOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
3. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.
A. PROSOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. SELF-ENCHANCEMENT LYING o Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na maipahiya, masisi o maparusahan
C. SELFISH LYING o Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
D. ANTISOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
4. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
A. PROSOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. SELF-ENCHANCEMENT LYING o Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na maipahiya, masisi o maparusahan
C. SELFISH LYING o Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
D. ANTISOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
5. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
A. PROSOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. SELF-ENCHANCEMENT LYING o Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na maipahiya, masisi o maparusahan
C. SELFISH LYING o Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
D. ANTISOCIAL LYING o Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
6. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
c. Magsisilbing proteksyon para sa isang tao upang may ibang taong masisi, maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
7. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
8. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
9. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
10. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
