Worksheets3rd Quiz in ESP (4th Quarter)
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
I. PANUTO: Piliin ang T kung tama ang ginagawa ng mga bata at M kung mali.
1. Mahusay si Ardee sa pagpipinta kaya malimit siyang sumasali sa mga paligsahan.
T
M
2. Magaling umawit si Rona, ngunit ayaw niya itong ipakita sa harap ng ibang tao dahil nahihiya siya.
T
M
3. Isa si Mina sa matatalinong bata sa klase nila. Tinuturuan niya ang ibang bata na nahihirapan.
T
M
4. Si Tina ay mahusay lumangoy. Tinuturuan niya ang mga batang gustong matututo.
T
M
5. Masarap magluto si Ana. Ngunit hindi niya tinutulungan ang Nanay.
T
M
6. Ibinabahagi ni Francis ang kanyang angking talino at kakayahan.
T
M
7. Masarap magluto si Pam ngunit hindi siya tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto.
T
M
8. Magaling maglaro ng basketbol si Roy kaya lagi siyang sumasali sa mga palarong barangay.
T
M
9. Magaling kumanta si Shiela, pero ayaw niyang kumanta sa harap ng ibang tao dahil nahihiya siya.
T
M
10. Mahusay sumayaw si Yssa kaya magiliw niya itong ibinabahagi sa iba.
T
M
II. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
11. Napansin mo ang isang batang nakatingin habang ikaw ay kumakain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi papansinin.
B. Bibigyan ng pagkain.
C. Hahayaan lang na nakatingin.
D. Bibigyan ng pagkain, at pagsasabihan na huwag nang bumalik.
12. Nakita mo ang matandang hirap maglakad. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aalalayan sa paglalakad.
B. Titingnan habang naglalakad.
C. Hahayaang maglakad.
D. Pagsasabihan na umuwi na lang.
13. Maraming bitbit si Nanay galing palengke. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Tutulungan siya
B. Titingnan lang siya
C. Pababayaan lang
D. Pagtataguan
14. Humihingi ng tulong ang iyong Lola dahil hirap siya sa paghinga. Ano ang maitutulong mo sa kanya?
A. Magtatago
B. Titingnan lang
C. Hahayaang nahihirapang huminga
D. Tatawag ng doktor para magamot si Lola
15. Naglalaba ang Nanay nang humingi ng gatas ang iyong kapatid. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipagtitimpla ng gatas.
B. Pababayaang umiiyak.
C. Hihintaying matapos si Nanay.
D. Iiwanang umiiyak.
III. PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.
16. Ngayon ay Araw ng mga Ina ngunit hindi ka makalabas upang bumili ng regalo para sa iyong nanay at wala ka ring pera. Ano ang maaari mong gawin upang maipakita mo ang pag-alaala mo sa kaniya?
A. Maaari ko siyang alayan ng isang kard dahil may kakayahan naman ako sa pagguhit at pagdisenyo.
B. Maaari ko siyang alayan ng isang awit o sayaw para maipakita ko ang pagpapahalaga sa kanya.
C. Lahat ng nabanggit.
17. Ikaw ay isang kalahok sa paligsahan ng pagtakbo ngunit nagkaroon ng pandemya kaya hindi ito natuloy pansamantala. Ano ang maaari mong gawin upang iyong mapanatili ang kahusayan sa pagtakbo?
A. Wala akong gagawin dahil alam kong magaling na ako sa pagtakbo.
B. Mag-eensayo ako nang maigi upang kapag pwede na ulit magkaroon ng paligsahan ay hindi ako mahihirapan.
C. Magsasanay ako paminsan-minsan dahil mas gusto kong maglaro.
18. Nawalan ng trabaho ang iyong ama at hindi na alam ng iyong magulang kung saan sila kukuha ng panggastos para sa inyong pagkain. Kung ikaw ay may talento sa pagguhit, paano mo magagamit ito sa pagtulong sa iyong magulang?
A. Hahayaan ko nalang dahil alam kong makakagawa sila ng paraan.
B. Maaari kong alukin ang aking mga kakilala kung gusto nila magpaguhit para magkaroon ng kahit konting pera para sa aking pamilya.
C. Hindi nalang ako kakain para makabawas sa gastusin nila.
19. Ikaw ay magaling tumula. Nagkaroon ng isang paligsahan sa pagtula at tinanong ng inyong guro kung sino ang nais sumali rito. Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ako upang malinang ang aking kakayahan.
B. Hindi ko papansinin ang guro.
C. Hindi ako sasali dahil nahihiya ako.
20. Ikaw ay nahihirapan sa inyong modyul sa English. Nagtanong ka sa iyong kaklase kung paano sasagutan ang gawaing ito ngunit sa halip na ikaw ay turuan ay ibinibigay niya ang kanyang sagot. Ano ang gagawin mo?
A. Kokopyahin ko nalang ito para hindi na ko mahirapang intindihin ang aralin.
B. Magpapasalamat ako sa kanyang ibinigay na sagot.
C. Hindi ko ito kokopyahin dahil masama ang mangopya sa halip ay magpapaturo ako sa kanya ng dapat gawin para masagutan ang gawain.
