wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO LESSON 2

Total questions: 25

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

TAMA O MALI:

Ang kasukdulang bahagi ng alamat ay nung ipinagtapat nina Mutya Marin at Garduque na walang sinumang makahadlang sa kanilang pag-iibigan kundi kamatayan.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

TAMA O MALI:

Sina Datu Sagwil, Datu Kawili at Datu Bagal ang mga tagahanga ni Mutya Marin sa alamat na nabasa.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

TAMA O MALI:

Ang pabula ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao na naglalaman ng pinagmulan sa isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

TAMA O MALI:

Si Pablo M. Cuasay ang may-akda sa akdang “Pinagmulan ng Marinduque”.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

TAMA O MALI:

Ang Marinduque ay matatagpuan sa Rehiyon VII-B o MIMAROPA na Boac ang kapital nito.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

TAMA O MALI:

Sina Mutya Marin at Garduque ang bida sa akdang “Pinagmulan ng Marinduque”.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

TAMA O MALI:

Hindi ipinagbawal ni Datu Batumbakal na pumasok sa palasyo si Garduque sapagkat botong-boto siya nito.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

TAMA O MALI:

Naisipan nina Mutya Marin at Gardque na tumakas sa palasyo sapagkat pupugutan ng ulo ang kasintahan ng babae.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

TAMA O MALI:

Nagsisi si Datu Batumbakal sa hulihang bahagi ng alamat at naging pantay ang kanyang pagtingin sa bawat isa.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

TAMA O MALI:

Ang ama ni Mutya Marin ay si Datu Sagwil.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

TUKUYIN:

Kuwentong naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o atbp.

a)

Pabula

b)

Alamat

c)

Epiko

d)

Maikling kuwento

12.

TUKUYIN:

Kilalang datu ng Batangan na ama ni Mutya Marin.

a)

Batumbakal

b)

Kawili

c)

Sagwil

d)

Garduque

13.

TUKUYIN:

Kasintahan ni Mutya Marin na isang dukhang mang-aawit at manghahabi ng tula.

a)

Batumbakal

b)

Kawili

c)

Sagwil

d)

Garduque

14.

TUKUYIN:

Sa larong ito, walang nakakatalo kay Mutya Marin dahil sa angkin nitong bilis.

a)

palayuan sa pagtapon ng bato

b)

pagbinit ng palaso

c)

karera sa kabayo

d)

paghahabi ng tula

15.

TUKUYIN:

Bahagi ng banghay na kung saan, dito ipinapakilala ang mga tauhan at tagpuan

a)

Simula

b)

Tunggalian

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

16.

TUKUYIN:

Isang uri ng akda na kung saan tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao.

a)

Alamat

b)

Pabula

c)

Epiko

d)

Tula

17.

TUKUYIN:

Bahagi ng banghay na kung saan ito ang pinakamadulang pangyayari ng kuwento.

a)

Simula

b)

Tunggalian

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

18.

TUKUYIN:

Bahagi ng banghay na kung saan dito lumitaw ang problema o suliranin ng pangunahing tauhan

a)

Simula

b)

Tunggalian

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

19.

TUKUYIN:

Sa bahaging ito naman, nalalaman ang kahihinatnan ng pangunahing tauhan kung naging masaya ba o malungkot.

a)

Wakas

b)

Tunggalian

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

20.

TUKUYIN:

Pangalan ng islang lumitaw kinaumagahan na pinangalanan sa magkasintahang sina Garduque at Mutya Marin.

a)

Laguna

b)

Bohol

c)

Marinduque

d)

Boracay

21.

URI NG PANG-ABAY:

Kahapon, hindi ko maunawaan ang aking sarili.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

e)

Ingklitik

22.

URI NG PANG-ABAY:

Ikaw pa rin ang aking iniisip.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

e)

Ingklitik

23.

URI NG PANG-ABAY:

Pupunta kami sa Bohol Wisdom School bukas para maglaro ng volleyball.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

e)

Ingklitik

24.

URI NG PANG-ABAY:

Halos isang daang porsiyento ang nakapasa sa pasulit.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

e)

Ingklitik

25.

URI NG PANG-ABAY:

Buong puso niyang binasa ang tula.

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

e)

Ingklitik