Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Pang-abay

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang pang-abay na nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos ay ______________.

a)

Pang-abay na Panlunan

b)

Pang-abay na Pamanahon

c)

Pang-abay na Pamaraan

2.

Ang pang-abay na nagsasabi kung paano ginawa ang kilos ay tinatawag na _______________________.

a)

Pang-abay na Pamanahon

b)

Pang-abay na Pamaraan

c)

Pang-abay na Panlunan

3.

Ang pang-abay na nagsasabi kung saan ginawa ang kilos ay tinatawag na ___________________.

a)

Pang-abay na Pamaraan

b)

Pang-abay na Panlunan

c)

Pang-abay na Pamanahon

4.

Masayang naglalaro ang mga bata sa palaruan. Alin ang pang-abay na pamaraan

a)

masaya

b)

naglalaro

c)

sa palaruan

5.

Maingay na nag-uusap sa loob ng dyip ang mga tao. Alin ang pang-abay na panlunan ang ginamit?

a)

maingay

b)

mga tao

c)

sa loob ng dyip

6.

Matiyagang pumila ang buntis ngunit pinauna siya ng guwardya kanina. Anong pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?

a)

matiyaga

b)

pumila

c)

kanina

7.

Nakatira sa probinsiya ang magkaibigan na sina Ted at Tonton. Anong salita ang sumasagot sa tanong na saan?

a)

nakatira

b)

sa probinsiya

c)

sina Ted at Tonton

8.

Kahapon nagbasa ng aklat sa silid-aklatan sina Ana at Tina. Anong salita ang sumasagot sa tanong na kailan?

a)

nagbasa

b)

silid-aklatan

c)

kahapon

9.

Mabilis na dinala sa ospital ang batang may sakit. Alin ang salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos?

a)

dinala

b)

sa ospital

c)

mabilis

10.

Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng panahon, lugar, at kung paano ginawa ang kilos?

a)

pandiwa

b)

pang-uri

c)

pang-abay