wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGBABALIK NG SUPERHERO NG MUZON

Total questions: 9

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Kilala si Iron Man sa kanyang matibay at magarang baluti kung kaya sinasabing hindi siya tinatablan ng bala dahil sa kakaibang pagkakagawa nito. Ano ang kahulugan ng baluti?

a)

kasuotang pananggalang nakabalot sa katawan

b)

kagamitang pantalo sa kalaban

c)

matinding kaaway sa labanan

d)

matapat na kakampi o sidekick

2.

“Walang problema,” ang palaging sambit ni Tatay tuwing may humihingi ng tulong sa kanya. Ano ang ibig sabihin ng sambit?

a)

awit

b)

banggit

c)

bulong

d)

tanong

3.

Paano mailalarawan ang relasyon nina Julio at kanyang tatay?

a)

masaya dahil malapit sila sa isa’t isa

b)

magulo dahil madalas silang nag-aaway

c)

malungkot dahil hindi sila nag-uusap

d)

mapayapa dahil mahilig silang magdasal

4.

Anong pangunahing kaisipan ng talata 3?

a)

Malungkot si Julio dahil walang super powers ang tatay niya.

b)

Para kay Julio, katulad ng mga superhero ang tatay niya.

c)

Isang karpintero lang ang tingin ni Julio sa tatay niya.

d)

Masaya si Julio dahil may maraming aparato ang tatay niya.

5.

Paano nabigyan ng solusyon ang problema ng pamilya tungkol sa paglaki ng kanilang mga gastusin?

a)

Humiram ang pamilya ng pera sa ibang tao.

b)

Nagtrabaho si Julio bilang karpintero.

c)

Naging tunay na superhero ang tatay ni Julio.

d)

Nagtrabaho sa ibang bansa ang tatay ni Julio.

6.

Ano ang mensahe ni Tatay kay Julio sa talata 15?

a)

Maraming pagkakataon upang ipakita ang pagiging isang superhero.

b)

Marami ka pang dapat gawin para maging isang superhero.

c)

Maraming tao ang nais maging superhero.

d)

May iba’t ibang klaseng superhero sa mundo.

7.

Ano ang aral ng kuwento?

a)

Mangarap kang maging karpintero sa paglaki mo.

b)

Magbihis ka palagi tulad sa mga superhero.

c)

Pilitin mong magkaroon ka ng super powers at lakas habang bata ka pa.

d)

Gawin ang nararapat at pinakakaya mo sa lahat ng pagkakataon.

8.

Sino sa sumusunod ang may pagkakatulad sa katangian ni Tatay sa kuwento?

a)

Tinulungan ni Ian ang kanyang kaklaseng nahihirapan sa Math.

b)

Hindi pinansin ni Miguel ang mga basurang nakakalat sa sahig.

c)

Sumama si Ben sa kanyang nanay noong pumunta siya sa mall.

d)

Natulog nang maaga si Kyle dahil inaantok na siya.

9.

Aling sitwasyon ang may pagkakatulad sa nangyari kay Julio sa talata 16?

a)

Nagalit si Mark sa tatay niya dahil hindi natupad ang pangako nitong bibilhan siya ng bagong laruan.

b)

Hindi umiyak si Joseph nang sabihin ng nanay niyang hindi sila matutuloy sa Japan dahil naunawaan niyang marami gastusin sa pag-aaral ang magkakapatid.

c)

Bilib na bilib si Greg sa kanyang sarili kaya tumakbo siya bilang presidente ng klase.

d)

Sumunod si Vince sa utos ng nanay niya dahil alam niyang pagagalitan siya kung hindi niya ito gagawin.