WorksheetsMTB
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Sa pagsulat ng talata o liham, kailangang sundin ang mga mekaniks o pamantayan
at porma sa wastong pagsulat.
tama
mali
marahil
ewan
2. Ang ___________________ ay grupo ng mga magkakaugnay na pangungusap
tungkol sa isang paksa.
liham
talata
kuwento
bugtong
3. Ayon sa mekaniks o pamantayan sa pagsulat ng liham at talata, ang unang salita
ng unang pangungusap ay _____________________________.
A. nakapasok o may indensyon
B. nakasulat sa maliit na letra
C. walang indensyon
D. nakasulat sa malaking letra
4. Ito ay personal na pakikipagkomunikasyon mula sa isang tao patungo sa iba. Ano
ito?
bugtong
talata
liham
awit
5. Lahat ay dahilan kung bakit sumusulat ng liham ang isang tao sa ibang tao, maliban
sa isa, alin ito?
A. makipagkomunikasyon
B. magpahatid ng mensahe
C. maghatid ng isang balita
D. makipagtawagan sa telepono
6. Si Karen ay bumili ng limang ampalaya upang lutuin para sa tanghalian. Alin ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
ampalaya
lima
lutuin
tanghaliann
7. Ang puno ng dalandan ay may mabibilog at malalaking bunga.Ang salitang mabibilog at malalaki ay naglalarawan sa_____________.
A. kulay at dami
B. hugis at laki
C. hugis at kulay
D. laki at dami
8. Ang batang si Melody ay matangkad. Aling salita ang ginamit sa paglalarawan?
A. Minda
B. matangkad
C. bata
D. ang
9. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa paglalarawan ng mga bata?
A. Makikinang
B. matatamis
C. malulusog
D. matatalas
10. _____ang aklat kaya hindi niya agad natapos basahin. Ano ang angkop na salitang naglalarawan ang dapat ipuno sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
A. Malusog
B. Masaya
C. Manipis
D. Makapal
11. Aling pares ng mga salita ang magkasingkahulugan?
A. maputi - maitim
B. malinis – marumi
C. mainit- malamig
D. maganda-marikit
12. Ang suot niyang medyas ay puti at ang kanyang sapatos ay itim. Ang salitang puti
at itim ay ___________.
A. magkasingkahulugan
B. magkasalungat
C. magkatugma
D. magkasintunog
13. Mahalimuyak ang amoy ng sampaguita. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. makapal
B. matamis
C. mabaho
D. mabango
14. Ang basurang itinapon mo ay kalat na babalik sa iyo. Ano ang dalawang salita na magkasingkahulugan sa pangungusap?
A. itinapon-kalat
B. babalik-basura
C. basura-kalat
D. babalik-itinapon
15. Masipag ang langgam, ngunit ang tipaklong ay __________. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. mabait
B. tamad
C. matulungin
D. maramot
16. Maayos na pinunasan ni Leni ang mesa. Ano ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap?
A. mesa
B. maayos
C. pinunasan
D. Leni
17. Mabilis siyang naghilamos at nagsepilyo ng ngipin. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
A. Pamanahon
B. Panlunan
C. Pamaraan
D. Panulad
18. Magbabasa kami mamaya _______. Ano ang angkop na pang-abay na panlunan ang dapat ipuno sa pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
A. sa silid-aklatan
B. sa gitna ng dagat
C. sa pitaka
D. sa ilalim ng sopa
19. Dadalawin naming ang aming kamag-anak sa susunod na lingo. Ano ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap?
A. Dadalawin
B. kamag-anak
C. sa susunod na linggo
D. namin
20. Nakatulog si tatay sa ilalim ng punong mangga. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
A. Pamanahon
B. Panlunan
C. Pamaraan
D. Panulad
