NEW
Font size
WorksheetsIMPORMAL NA SEKTOR
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang sumusunod ay katangian ng impormal na sektor maliban sa isa:
A. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
B. Hindi nagbabayad ng buwis.
C. Nakakatulong sa pagpapataas ng GDP.
D. Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
1. Ang malabanan ang kahirapan ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor.
A. Mali, ito ay ginagawa nila dahil dito sila masaya.
B. Tama, dahil sa kahirapan ang mga tao ay napilitang magtrabaho sa impormal na sektor.
C. Mali, kasalanan ito ng mga namumuhunan dahil hindi sila tinatanggap sa trabaho.
D. Tama, dahil sa impormal na sektor mas dumami ang mga mahihirap.
Ang mga sumusunod na trabaho o gawain ay kabilang sa impormal na sektor maliban sa isa:
A. Pagpapautang ng 5-6
B. Pagmamanikyur
C. Paglalako ng mga kakanin
D. Teller sa bangko
Ang isang negosyo na hindi narehistro ay masasabing kabilang sa impormal na sektor. Saan sa mga sumusununod ang maaring maitutulong nito sa ating ekonomiya?
A. Nakakapagbigay ito ng trabaho sa mga mamamayan.
B. Lumiliit ang produksiyon ng mga produkto.
C. Tumataas ang bilang ng mga dayuhang namumuhunan.
D. Tumataas ang kabuuang kita ng ating bansa.
Ang pagbabayad ng buwis ay nakakabawas sa kita ng mga negosyante. Kung ikaw ang negosyante, ipaparehistro mo ba ang iyong negosyo?
A. Hindi, dahil napakahirap ng proseso.
B. Hindi, dahil mababawasan lang ang aking kita.
C. Oo, dahil tungkulin ko ang pagbabayad ng buwis.
D. Oo, para mas marami ang bibili ng aking produkto.
Anong batas ang naglalayon na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Republic Act 9710
B. Republic Act 7796
C. Republic Act 1994
D. Republic Act 8425
Saan kadalasan nakakakita ng mga Impormal Sektor?
A. Sa mga Mall
B. Sa sidewalk o labas ng bahay
C. Sa mga kanayunan
D. Sa mga ahensya ng pamahalaan
Kilala din ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.
A. Tama
B. Mali
C. Di sigurado
D. Walang kaugnayan
Bakit sinasabi na ang impormal na sektor ay malaking tulong sa mga konsyumer?
A. Malapit puntahan
B. Walang katulad ang produkto
C. Mas mura ang halaga ng serbisyo o produkto
D. May malaking ambag sa pamahalaan
Alin ang hindi kabilang sa dahilan kung bakit pumapasok sa impormal na sektor ang mga mamamayan.
A. Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos.
B. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
C. Makapaghanapbuhay nang nangangailangan ng malaking kapital o puhunan.
D. Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
