Font size
WorksheetsPanimulang Pagtataya
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
maikling kuwento
elihiya
epiko
tula
“Kung ikaw ang tatanungin, hindi ___ ba nanaisin makarating ng ibang bansa?”
Ano ang wastong panghalip na dapat ilagay sa patlang?
mo
ka
niyo
nila
Ito ay mga kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa.
mitolohiya
kuwentong-bayan
epiko
alamat
Alin sa mga sumusunod ang hindi natatanging katangian ng mitolohiya?
Naglalahad ng misteryo ng pagkakalikha ng mundo
Kumikilala sa daigdig ng langit at ilalim ng lupa
Kumakatawan sa marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao
Dumadakila sa kabayanihan ng tauhang nakipagsapalaran sa digmaan
Kung ang El Filibusterismo ay may himig himagsikan, ang Noli Me Tangere naman ay napapalibot sa temang
pag-ibig
paghihiganti
pangarap
pag-asa
Elemento ito ng epikong nagbibigay-diin sa panahon, kalagayan at kultura.
diyalogo
banghay
tagpuan
estilo
Anong bansa sa Mediterranean na bahagi ng European Union na kilala sa kanilang sinaunang kaugalian, tradisyon, kultura at panitikang panrelihiyon?
Britanya
Alemanya
Noruwega
Italya
Naging masama si Marquez sa pakikitungo niya sa babaeng pulubi.
Anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap?
panaklaw
katapora
anapora
pamatli
Kung ang El Filibusterismo ay nobelang pampolitikal, ang Noli Me Tangere naman ay nobelang
panlipunan
pantao
pantasya
panlibang
Kapag sinabing unang persona sa tula, ito ay
may pinapatungkulan ang may-akda maliban sa kanya
tinutukoy ng may-akda ang kanyang mga pinagdaanang karanasan
may kasama ang tinutukoy ng may-akda sa kinatha niyang tula
Piliin sa mga sumusunod ang 2 hindi katangian ng isang epiko.
Sinasalamin nito ang mga kaugalian ng isang lipunan
Karaniwang nagsisimula ito sa pamamagitan ng ritwal
Nagpapakilala ng daigdig ng langit at ilalim ng lupa
Ang mga pangunahing tauhan nito ay mga diyos at diyosa
Napoot si Zeus sa pagsuway ni Prometheus.
Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
Nasuklam
Nagalit
Nainis
Naasar
Ang editoryal o pangulong-tudling ay isang sanaysay na pumapaksa sa pangunahing balita sa
pahayagan
posisyong papel
suring-basa
wala sa nabanggit
Nasa loob ba ng polder ang mga papeles ng lupa?
Nasa tamang ayos ba ang pangungusap? Kung hindi, alin dito ang nagpamali?
mali ang bantas na ginamit; ito ay dapat gamitan ng tuldok
mali ang pagbaybay ng salitang hiram; ang 'polder' ay dapat binaybay bilang 'folder'
nasa tamang ayos ang pangungusap
Inialay ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong paring martyr, ang Noli Me Tangere naman ay para sa
kanyang pamilya
kanyang kasintahan
Espanya
Inang Bayan
