wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

All About Rizal

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ang batas na isinapasa na nagsasaad ng kautusang pag-aaralan ang buhay, kabayanihan at ambag ni Rizal bilang isang kurso sa kolehiyo.

a)

Batas Pambansa 4215

b)

Batas Pambansa 1425

c)

Batas Pambansa 1524

d)

Batas Pambansa 1245

2.

Ang pinakamahalagang dahilan ng paglisan ni Rizal sa Pilipinas upang mag-aral at magpakadalubhasa sa Europa noong 1882.

a)

Matamasa ang liberalismo sa Europa.

b)

Tupdin ang kasunduan nila ni Paciano.

c)

Huwag ng tapusin ang pag-aaral sa U.S.T.

d)

Bawasan ang pagdurusa ng Pilipinas.

3.

Ang aral na nahalaw ni Rizal mula sa kwento ng Gamugamo na madalas isalaysay sa kanya ng kanyang ina noong kanyang kabataan.

a)

Lakas ng loob ang sukat ng katapangan.

b)

Sakripisyo ang susi sa kalayaan.

c)

Ang padalos-dalos ang napapahamak.

d)

Ang sobrang liwanag ay nakakamatay.

4.

Ang nobela na nabasa ni Rizal na kanyang naging paborito at inspirasyon sa pagsusulat ng kanyang El Filibusterismo

a)

The Count of Monte Cristo

b)

Uncle Tom's Cabin

c)

Le Miserables

d)

Communist Manifesto

5.

Ang pinakamahalagang aral na pamana ni Rizal sa mga Pilipino sa kanyang tula na pinamagatang “A La Juventud Filipina”.

a)

Ang kabataan ang papatid ng tanikala.

b)

Ang kabataan ang sulo ng liwanag.

c)

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

d)

Ang kabataan ang magtatagumpay.

6.

Si Rizal bilang isang liberal na propagandista ay nakapaglathala ng maraming sulatin sa ibat-ibang pahayagan maliban sa:

a)

La Solidaridad

b)

Kalayaan

c)

Diariong Tagalog

d)

Hongkong Telegraph

7.

Ang malalim na layunin ni Rizal sa kanyang pagsusulat bilang isang propagandista ay:

a)

ipabatid sa Espanya ang kapalaluan ng mga prayle.

b)

ihanda ang buong bansa sa isang armadong rebolusyon.

c)

isalaysay ang kalunos-lunos na kondisyon ng Pilipinas.

d)

pukawin ang nahihimbing na damdamin ng mga Pilipino.

8.

Ang unang nobela ni Rizal ay ipinagbawal ng simbahan sa Pilipinas sa kadahilanan na ang aklat ay isang EREHETIKAL na babasahin. Ibig sabihin ang unang nobela ni Rizal ay:

a)

naglalaman ng mga mensaheng mapanira sa mga turo ng simbahan.

b)

naglalaman ng mga mensaheng nagtataguyod ng marahas na pag-aaklas.

c)

naglalaman ng mga mensaheng magbibigay kamulatan sa mga Pilipino.

d)

naglalaman ng mga mensaheng nagtataguyod ng kaaisipang mason.

9.

Ang pangyayaring naganap sa buhay ni Rizal na tuwirang nagbukas sa kamalayan ng bayani hinggil sa kawalan ng hustisya sa Pilipinas.

a)

Pag-aapi ng mga Dominikano sa U.S.T.

b)

Pagkakakulong ng kanyang Ina

c)

Pagbitay sa GOMBURZA

d)

Pagkamatay ni Concha

10.

Isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa Amerika na naging pangunahing inspirasyon ni Rizal sa kanyang pagsusulat ng Noli Me Tangere.

a)

The Count of Monte Cristo

b)

Uncle Tom’s Cabin

c)

Fairy Tales

d)

William Tell

11.

Ito ay isang bayan sa Zamboanga del Norte kung saan ay ipinatapon si Rizal ng pamahalaang Kastila mula 1892 hanggang 1896.

a)

Dipolog

b)

Dapitan

c)

Kalawit

d)

Sindangan

12.

Ang buod ng mga ipinataw na kaso kay Rizal na naging daan sa kanyang pagkamatay noong 1896.

a)

Si Rizal ang subersibong manunulat.

b)

Si Rizal ang kaluluwa ng himagsikan.

c)

Si Rizal ang taksil sa simbahan.

d)

Si Rizal ang utak ng sekularisasyon.

13.

Ang kahuli-hulihang akda ni Rizal na kanyang naisulat bago ang kanyang kamatayan.

a)

Pamamaalam

b)

Pahimakas

c)

Paggunita

d)

Pagpapalaya

14.

Isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas na naging pinakamatalik na kaibigan ni Rizal.

a)

Feodor Jagor

b)

Hans Meyer

c)

Ferdinand Blumentritt

d)

Otto Becker

15.

Ang kilusang itinatag ni Rizal noong 1889 na naglalayong mulatin at papag-isahin ang mga taga-silangan laban sa namamayaning kolonyalismong kanluranin ay ang:

a)

Indios Bravos

b)

Samahang Kidlat

c)

Redencion de los Malayos

d)

La Liga Filipina