wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MODYUL 1 - PAGTATAYA

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Kahulugan ng kabutihang panlahat.

a)

Kabutihan para sa lahat ng indibidwal na nasa lipunan.

b)

Kabutihan para sa limitadong mga personahe.

c)

Kabutihan para sa mga may hawak ng kapangyarihan.

d)

Kabutihan para sa mga nakakaangat sa buhay.

2.

Ang lahat ng sumusunod ay pagsa-alang-alang sa kabutihang panlahat, maliban sa isa:

a)

Matapat

b)

Pagrespeto

c)

Magalang

d)

Pagsisinungaling

3.

Siya ang makapangyarihan sa lahat ng likha ng Diyos. Kaya niyang kumilos na naaayon sa kabutihang panlahat.

a)

Hayop

b)

Tao

c)

Halaman

d)

Diyos

4.

Bakit sinasabing ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi gawaing pang-iisang tao lamang?

a)

Dahil may ibang mundong malilipatan.

b)

Dahil iilan lamang ang nakakabenepisyo dito.

c)

Dahil isa lang ang nakikinabang dito.

d)

Dahil lahat tayo ay nakatira sa iisang mundo. Lahat tayo dapat mag-ambag sa pangangalaga nito.

5.

Sa panahon ngayon, ang tao ay nabubulag sa mga materyal na mga bagay at nagiging______.

a)

Maaruga

b)

Pabaya

c)

Pagmamahal

d)

Maalaga

6.

Mahihinuha natin sa pahayag ni Papa Benedicto na, “ang mga tanda o halimbawa ng pag-asenso o progreso ay hindi lahat para sa kabutihan."

a)

Ang pag-aasenso ay para sa kabutihan ng lahat.

b)

Hindi lahat ng pag-aasenso ay nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.

c)

Ang pag-asenso ay makapagbibigay ng matiwasay na buhay.

d)

Ang pag-asenso o progreso ay pagiging makapangyarihan

7.

Ang sumusunod ay mga paraan para maisusulong ang pangangalaga sa kalikasan, maliban sa isa.

a)

Pagpapatupad ng batas.

b)

Panghihikayat sa mga tao na magtanim, makilahok, at makiisa.

c)

Magkaroon ng pagkukusa at disiplina.

d)

Mangunang makipagsabwatan upang makakuha ng permiso sa quarry operation.

8.

Ang sumusunod ay pagmamaltrato sa kalikasan, maliban sa isa.

a)

Pagbibisikleta papuntang trabaho

b)

Pagtatapon ng dinamita sa dagat

c)

Pagkakaroon ng maraming sasakyan

d)

Paghuli sa mga wild animals

9.

Siya ang gumawa sa Sampung Utos para sa Kalikasan (Ten Commandments for the Environment) kung saan ito ay mga prinsipyong gabay sa pangangalaga sa kalikasan.

a)

Santo Tomas de Aquinas

b)

Obispo Giampaolo Crepaldi

c)

Jacques Maritain

d)

Papa Benedicto

10.

Tukuyin kung alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan.

a)

Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.

b)

Paggamit ng lupain na may pagsasa-alang-alang sa tunay na layunin nito.

c)

Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

d)

Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.