wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Unang araw ng pasukan kaya maagang gumising at pumasok ang mga mag-aaral. Ano ang kahulugan ng araw sa pangungusap?

a)

pinakamaningning na bagay sa kalawakan na nagbibigay ng liwanag at init sa mindo

b)

ang bumubuo ng isang linggo tulad ng Lunes, Martes atbp.

2.

Mainit ang sikat ng araw ngayon. Tiyak na matutuyo ang mga nilabhang damit ni Aling Trining. Ano ang kahulugan ng araw sa pangungusap?

a)

pinakamaningning na bagay sa kalawakan na nagbibigay ng liwanag at init sa mindo

b)

ang bumubuo ng isang linggo tulad ng Lunes, Martes atbp.

3.

Kailangang mag-aral kang mabuti para makapasa sa pagsusulit bukas. Ano ang kahulugan ng para sa pangungusap?

a)

upang; nang

b)

tigil; hinto

4.

Mamang Tsuper, para na po. Bababa na ako. Ano ang kahulugan ng para sa pangungusap?

a)

upang; nang

b)

tigil; hinto

5.

Nag-iwan ng marka sa puting damit ng bata ang ketsup. Ano ang kahulugan ng marka sa pangungusap?

a)

mantsa; dungis

b)

grado; iskor

6.

Mataas ang marka ni Rommel sa pagsusulit na sinagot niya noong isang araw. Ano ang kahulugan ng marka sa pangungusap?

a)

mantsa; dungis

b)

grado; iskor

7.

Sa isang buwan na ang dating ni G. Razon mula sa ibang bansa. Ano ang kahulugan ng buwan sa pangungusap?

a)

ang satelayt ng mundo na kumukuha ng liwanag sa araw.

b)

binubuo ng apat na linggo

8.

Kabilugan ng buwan kaya maliwanag sa paligid ngayong gabi. Ano ang kahulugan ng buwan sa pangungusap?

a)

ang satelayt ng mundo na kumukuha ng liwanag sa araw.

b)

binubuo ng apat na linggo

9.

Kahit na aba, basta mabait ay kaibigan ko. Ano ang kahulugan ng aba sa pangungusap?

a)

bukambibig na ginagamit para magpahiwatig ng damdamin

b)

mahirap; maralita

10.

Aba! Tatlong buwan ka nang hindi nanaupa sa apartment. Ano ang kahulugan ng aba sa pangungusap?

a)

bukambibig na ginagamit para magpahiwatig ng damdamin

b)

mahirap; maralita