NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit g3w15
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
1. Si Tonyo ay "magaling" sumayaw. Siya ay totoong __________________ sa pagsasayaw.
mahusay
mayabang
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
2. Ang kabayo ay "matulin" tumakbo. ___________ din tumakbo ang lobo.
malakas
mabilis
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
3. Ang adobo ni nanay ay "malinamnam". ______________ din siya magluto ng paksiw.
masarap
maalat
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
4. Ang sakit ng bata ay "malala". Mas magiging _______________ ito kapag hindi nagamot.
maganda
malubha
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
5. "Masuwerte" ang pamilya Gomez dahil masisipag sila. _______________ ang tutulad sa kanila.
mapalad
marami
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
6. Ang sugat sa paa ni Kulas ay "mahapdi", kapag ito ay nilagyan ng alkohol ay lalong magiging _________________.
makirot
malala
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
7. Si Nora ay "masaya" dahil nakapasa sa pagsusulit. _________________ rin ang kanyang mga magulang dahil sa naabot na tagumpay.
masungit
maligaya
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
8. "Maykaya" ang pamilya ni Karlo. _______________ sila dahil masipag ang kanyang tatay.
mayaman
matalino
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
9. Ang batang si Juan ay "matalino". _____________ siya sa lahat ng bagay.
marunong
mabait
Piliin ang tamang kasingkahulugan ng pang-uring may panipi sa pangungusap na dapat isulat sa patlang.
10. ''Delikado'' ang pumunta sa gubat. ________________ kung ikaw ay walang kasama.
masaya
mapanganib
