wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FA sa PANGATNIG

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang HINDI angkop na pangatnig para sa pangungusap?


Mga bagong bayani lahat ang mga healthcare workers, ang mga first responders, ang mga guro, _____ ang mga Grab Food riders lalo na ngayong panahon ng pandemya.

a)

at

b)

saka

c)

pati

d)

kaya

2.

Alin ang HINDI angkop na pangatnig para sa pangungusap?


Nais magturo ng mga guro online _____ marami sa kanila ang kulang sa kagamitan para magawa ito.

a)

pero

b)

kasi

c)

ngunit

d)

subalit

3.

Alin ang HINDI angkop na pangatnig para sa pangungusap?


Kailangang magpabakuna ng mga mamamayan _____ maging mas malakas ang kanilang katawan laban sa virus.

a)

pag

b)

para

c)

upang

d)

nang

4.

Alin ang HINDI angkop na pangatnig para sa pangungusap?


Maraming mga Pilipino ang pumipila pa rin sa mga community pantry _____ wala silang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan para sa pamilya nila.

a)

dahil

b)

kasi

c)

saka

d)

sapagkat

5.

Alin ang HINDI angkop na pangatnig para sa pangungusap?


Malalampasan natin ang mga pagsubok _____ patuloy tayong magbabayanihan.

a)

pag

b)

para

c)

kung

d)

kapag

6.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Mawawala na kaya ang COVID-19 ngayong taon _____ magpapatuloy pa sa 2022 ang mabigat na trabaho ng frontliners?

a)

o

b)

at

c)

pag

d)

kasi

7.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Marami ngayon ang nagtatrabaho lang sa mga bahay nila _____ ang essential workers naman ay kailangang pumunta pa rin sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

a)

para

b)

upang

c)

samakatuwid

d)

samantalang

8.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Likas sa ating mga Pilipino ang magbayanihan _____ may mga kababayan tayong nakararanas ng paghihirap.

a)

kaya

b)

nang

c)

kapag

d)

pati

9.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Ipatutupad ulit ang ECQ sa Metro Manila _____ kailangang mabigyan ng ayuda ang mga apektado ng mas mahigpit na quarantine na ito.

a)

dahil

b)

kaya

c)

kung

d)

nang

10.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


AstraZeneca, Janssen, Pfizer _____ Sinovac ang ilan sa mga bakunang dumating na sa Pilipinas.

a)

at

b)

pero

c)

dahil

d)

kung

11.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Nahihirapan lalo sa trabaho ang ilang delivery riders _____ may mga nanloloko sa kanila at gumagawa ng mga pekeng order.

a)

dahil

b)

para

c)

kaya

d)

upang

12.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Ano pa ang maaari nating gawin _____ matulungan ang mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya?

a)

habang

b)

upang

c)

ngunit

d)

kaya

13.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Gusto na naming mamasyal sa mga magagandang lugar sa Pilipinas _____ hindi pa ligtas na lumabas ng bahay para puntahan ang mga ito.

a)

kung

b)

kaya

c)

sapagkat

d)

subalit

14.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Tuloy-tuloy pa rin ang pagkalat ng iba-ibang variant ng COVID-19 ngayon _______ dapat pag-isipang mabuti ang mga ipatutupad na mga patakaran sa quarantine.

a)

kung

b)

o

c)

kaya

d)

para

15.

Alin ang wastong pangatnig na kukumpleto sa pangungusap?


Marami pa tayong puwedeng gawin ______ mapagaan ang trabaho ng mga frontliners ngayong pandemya!

a)

saka

b)

pag

c)

para

d)

kasi