WorksheetsPILIPINO O FILIPINO?
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Anong tawag sa unang Alpabetong Pilipino?
baybayin
bulubundukin
patagin
Bago nagkaroon ng Pambansang Wika, ano-anong opisyal na wika ang umiral noon sa buong kapuluan?
Espanyol at Nihongo
Espanyol at Ingles
Ingles at Nihongo
Sa panahon ng pagsasarili, ano-ano ang mga naging opisyal na wika?
Tagalog at Ingles
Taglish
Tagalog at Kapampangan
Saan galing ang salitang Tagalog?
Tagaluglog
Taga-ilog
Taga-itlog
Ano ang unang tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas?-
Filipino
Tagalog
Pilipino
Sino ang kinkilalang Ama ng Balarilang Tagalog?
Lope K. Santa Maria
Lope K. Santos
Lope K. Santisima
Sinong pangulo ang lumagda sa Proklama Blg.12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon na sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa?
Ferdinand Marcos
Jose Laurel
Ramon Magsaysay
Sinong pangulo ang nag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa Wikang Pilipino?
Corazon Aquino
Diosdado Macapagal
Rodrigo Duterte
Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
Manuel V. Pangilinan
Manuel A. Roxas
Manuel L. Quezon
Bakit inilipat sa buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Upang hindi na malito ang mga guro at mag-aaral
Upang walang maging kasabay na pagdiriwang
Upang gunitain ang kaarawan ni Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa
Sinong pangulo ang lumagda at nagpalabas ng Proklama Blg.1041 na nagtatakdang ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino?
Benigno "Noynoy" Aquino
Fidel V. Ramos
Joseph Ejercito Estrada
Ilang titik ang bumubuo sa opisyal na Alpabetong Filipino?
26
28
30
Sa makabagong Alpabetong Filipino, ilang titik ang mula sa Tagalog na Abakada?
10
15
20
Alin ang ibig sabihin ng KWF na samahang nangangasiwa ng Pambansang wika?
Kawanihan ng Wikang Filipino
Kongregasyong ng Wikang Filipino
Komisyon ng Wikang Filipino
Sinong bayani ang nagwika ng katagang, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” ?
Andres Bonifacio
Juan Luna
Jose Rizal
