Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

#TagisDunong2021 (B7-B11)

Total questions: 25

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pambansang wika ng Pilipinas?

a)

Ingles

b)

Filipino

c)

Tagalog

d)

Mandarin

2.

Ano ang iba pang tawag sa mga wikang ginagamit ng iba't ibang probinsya at pangkat sa Pilipinas?

a)

pambasang wika

b)

wikang pangprobinsya

c)

lengguwahe

d)

wikang katutubo

3.

Ang salitang ito ay nangangahulugan na pag-alis mula sa impluwensiya ng mga bansang sumakop sa Pilipinas.

a)

kolonisasyon

b)

kalayaan

c)

dekolonisasyon

d)

makabayan

4.

Ano ang sinisimbolo ng bangka sa poster?

a)

yaman ng lahi

b)

sasakyan sa paglalakbay

c)

makalumang transportasyon

d)

pagtakas sa pananakop

5.

Ano-ano ang bumubuo sa alon sa poster?

a)

mga wikang katutubo

b)

mga salitang katutubo

c)

pangalan ng mga katutubo

d)

mga pinuno ng katutubo

6.

Nahanap na ni Mang Manny ang anak niyang nag-alsa balutan.

a)

nakipag-away

b)

nagkasakit

c)

naglayas

d)

ipinaampon

7.

Inaabangan ng mga bisita ang bukang-liwayway sa tabing dagat.

a)

malapit nang gumabi

b)

malapit nang lumitaw ang bahaghari

c)

malapit na ang eklips

d)

malapit nang mag-umaga

8.

Dalawa ang mukha ng taong iyan.

a)

kambal na magkadikit

b)

taksil

c)

nakasalamin

d)

nagbabagong-anyo

9.

Isulat mo na lamang sa tubig ang lahat ng aking sinabi.

a)

kalimutan

b)

tandaan

c)

burahin

d)

palitan

10.

Hindi niya problema ang pagkain sa araw-araw dahil siya ay nakahiga sa salapi.

a)

matulungin

b)

masipag sa buhay

c)

matipid

d)

mayaman

11.

Kung walang tiyaga, walang nilaga.

a)

Walang kakainin kapag hindi ka nagtrabaho.

b)

Walang matututunan kapag hindi nag-aral nang mabuti.

c)

Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

d)

Walang tutulong sa oras ng pangangailangan.

12.

Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.

a)

Kung ano ang halamang itinanim, hindi mababago ang bunga.

b)

Kung nagtanim ng salapi, ito ay dadami.

c)

Kung may inipon, may magagamit.

d)

Kung ano ang ginagawa mo sa iba ay babalik rin sa iyo.

13.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

a)

Walang sikretong hindi nabubunyag.

b)

Sa kahit saan ay may nagbabantay.

c)

Hindi napipigilang magsabi ng sikreto.

d)

Kumakalat ang maling balita.

14.

Ang bulsang laging mapagbigay,Hindi nawawalan ng laman.

a)

Nakakaipon

b)

Nakakukuha ng suporta

c)

Pinagpapala

d)

Kumikita

15.

Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

a)

Maghihirap

b)

Wala nang gagawin

c)

Bigay nang bigay

d)

Magastos

16.

Bugtong: Tumingin ka sa akin, ang makikita mo ay ikaw rin.

a)

mata

b)

anino

c)

kamera

d)

salamin

17.

Bugtong: Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay.

a)

tao

b)

kalendaryo

c)

halaman

d)

kandila

18.

Bugtong: Lumalakad ng walang paa, tumatangis ng walang mata.

a)

anino

b)

ulap

c)

ulan

d)

pluma

19.

Bugtong: Hindi hari, hindi pari. Nagdadamit ng sari-sari.

a)

sampayan

b)

bahaghari

c)

krayola

d)

kurtina

20.

Bugtong: Isang magandang senyora, ligid na ligid ng espada.

a)

ngipin

b)

reyna

c)

hiyas

d)

pinya

21.

Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan.

a)

Pagkakaisa

b)

Kapayapaan

c)

Pagdadamayan

d)

Bayanihan

22.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella.

a)

Panliligaw

b)

Harana

c)

Pagbisita

d)

Bigay-kaya

23.

Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo

a)

Pagrespeto

b)

Pagpapakumbaba

c)

Pagmamano

d)

Pagbati

24.

Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan.

a)

Pagpapakasal

b)

Pamamanhikan

c)

Pag-akyat ng ligaw

d)

Panghaharana

25.

Ano ang sinisimbolo ng po at opo?

a)

Maayos na pagsagot.

b)

Walang maisagot.

c)

Paggalang

d)

Mas nakatatanda ang kausap.