WorksheetsTagisan ng Talino 2021
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Ano ang pangalan ng tatlong anak ni Haring Fernando ng Kahariang Berbania ayon sa koridong Ibong Adarna? (Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kanilang mga pangalan mula sa panganay hanggang sa bunsong anak)
Don Eric, Don Diego, Don Florante
Don Diego, Don Pedro, Don Juan
Don Pedro, Don Diego, Don Juan
Ang Kaharian ng Armenya naman ay may tatlong prinsesa na anak ni Haring Salermo. Ano-ano ang kanilang mga pangalan?
Donya Juana, Donya Leonora, Donya Maria
Donya Juana, Donya Maria, Donya Isabela
Donya Laura, Donya Maria Clara, Donya Julia
Anong uri ng mahika ang taglay ni Donya Maria?
Mahika Blanca
Mahika Negra
Mahika Adarna
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Don Juan?
Patagin ang bundok upang itanim ang trigo.
Iusod ang bundok sa tapat ng bintana ng hari.
Hanapin ang nawawalang korona ng hari.
Paano napagtagumpayan ni Don Juan ang huling pagsubok ni Haring Salermo na piliin ang silid na kinaroroonan ni Donya Maria?
Nakilala ni Don Juan na si Donya Maria ang nasa loob ng huling silid dahil sa boses nito habang umaawit.
Nalaman ni Don Juan na nasa loob ng pangatlong silid si Donya Maria dahil sa putol sa hintuturo nitong inilabas sa butas ng pinto.
Natukoy ni Don Juan na si Donya Maria ang nasa panghuling silid dahil ito ang itinuro ng negritang alaga ng hari na naging kaibigan ng prinsipe.
Anong uri ng panitikan ang "Florante at Laura"?
Awit
Korido
Epiko
Sino ang nagsulat ng Florante at Laura?
Jose P. Rizal
Francisco Balagtas
Lope K. Santos
Sino ang tauhang may labis na inggit at panibugho kay Florante na nagdahilan ng pananakop nito sa Albanya?
Adolfo
Menandro
Menalipo
Sinong tauhan ng "Florante at Laura" ang inilalarawan ng taludtod na ito?
“…kung di si Narciso’y tunay na Adonis
mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.”
Aladin
Adolfo
Florante
Sinong tauhan ng "Florante at Laura" ang inilalarawan ng taludtod na ito?
“Nagkataong siyang pagdating sa gubat!
ng isang gererong bayani ang tikas,…”
Aladin
Adolfo
Florante
Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng nobela na "Noli Me Tangere"?
Huwag mo akong pabayaan
Huwag mo akong sambahin
Huwag mo akong salingin
Sino ang tumulong pinansyal kay Jose Rizal upang maipagpatuloy ang pagpapalimbag ng aklat?
Maximo Viola
Valentin Ventura
Andres Bonifacio
Sino ang lihim na kaaway ni Crisostomo Ibarra?
Padre Irene
Padre Damaso
Padre Salvi
Simbolo siya ng Pilipinas dahil maganda ngunit naghihirap sa kamay ng mga Kastila:
Pia Alba
Maria Clara
Sisa
Ang Noli Me Tangere ay nobelang nagpapakita ng kanser ng lipunan sa panahon ng mga Kastila. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kanser ng lipunan na nangyari sa akda?
Kawalan ng hustisya sa kamatayan ni Crispin
Pang-aabuso sa kapangyarihan ni Padre Damaso
Paghihiganti ni Simoun para sa kapwa Pilipino
