NEW
Font size
WorksheetsAral.Pan. 8 - Paunang Pagtataya (Unang Markahan)
Total questions: 15
Worksheet time: 6mins
Ano ang magiging pangunahing kabuhayan ng mga tao kapag ang kanilang tirahan ay matatagpuan sa isang malawak na kapatagan?
pag-aalaga ng hayop
pagsasaka
pangingisda
pagmimina
Sa anong karagatan matatagpuan ang Marianas Trench, na maituturing na pinakamalalim na bahagi o dako ng tubig sa buong mundo?
Arctic Ocean
Atlantic Ocean
Indian Ocean
Pacific Ocean
Ano ang tawag sa agham panlipunan na nag-aaral sa kalupaan, katubiga, klima at panahon ng daigdig?
antropolohiya
heograpiya
kasaysayan
sosyolohiya
Anong sangay ng heograpiya ang tumutukoy sa pag-aaral sa mga aspektong kultural at ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanilang kapaligiran?
pangkalakalan
pangkasaysayan
pantao
pansibiko
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy din bilang heograpiyang pantao?
heograpiyang pang-ekonomiya
heograpiyang pangmedikal
Sosyolohiyang Heograpiya
pangkasaysayan na heograpiya
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga aspeto na pinag-aaralan sa heograpiyang pantao?
medisina
relihiyon
topograpiya
wika
Ano naman ang tawag sa imahinasyong guhit na makikita sa 0 degree na humahati sa globo sa hilaga at timog na hemispero
ekwador
latitud
longhitud
prime meridian
Ano ang tawag sa imahinasyong guhit na matatagpuan sa 180 degrees at dito nangyayari ang ating pagpapalit ng petsa at oras?
ekwador
latitud
longhitud
prime meridian
Ano ang tawag sa isang organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay?
gobyerno
pamilya
pangkat-etniko
relihiyon
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga taong may iisang pagkakakilanlan?
gobyerno
pamilya
pangkat-etniko
relihiyon
Bakit sinasabi na ang wika ay tanda ng kultura?
sapagkat ang wika ang sumasalamin sa kasaysayan ng tao.
sapagkat kadalasan ang mga taong may magkaparehong wika ay may kapareho ring kaasalan at paniniwala
sapagkat kung wala ito, hindi magkakaroon ng teritoryo ang tao.
sapagkat nakabatay sa wika ang magiging ugali at asal ng tao.
Bakit nararapat lamang na pahalagahan ang heograpiyang pantao ng bansa?
dahil magkakaroon ng ideya ang mga mag-aaral ng tunggok sa pinanggalingan ng mga wika sa iba't-ibang bansa.
dahil nakatutulong ito upang maunawaan at maigalang ang kultura at paniniwala ng ibang tao.
dahil sa pag-aaral na ito, nagkakaroon ng paliwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad ng kanilang ginagawa sa kanilang buhay.
dahil sa pamamagitan ng natututunan dito, maaaring maging malinaw ang mga konsepto tungkol sa pagkakabuo ng iba't - ibang bansa.
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mga tao upang mapangalagaan ang kalikasan?
Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang maging balanse at magpatuloy ang maayos na pamumuhay ng tao.
Hindi kailangan ang pag-aaral ng heograpiya upang mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan.
Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pangangalaga at pagliligtas sa kalikasan.
Hindi nararapat na magtanim ang mga tao pagkatapos pumutol ng mga punong-kanoy.
Sa papaanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?
sa pamamagitan ng pag-aalay ng dasal lalo't higit para sa mga taong nangangailangan ng tulong.
sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa nangangailangan
sa pamamagitan ng pagiging dalubhasa sa pag-aaral ng pamumuhay ng mga tao sa iba't - ibang bansa sa mundo.
sa pamamagitan ng pagrespeto sa kaugalian at kultura ng mga tao nang walang panghuhusga.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa kultura ng ibang tao?
Si Joana na namimili ng kaibigay batay sa lahi na kanilang kinabibilangan.
Si Maria na may matinding paniniwala sa kakayahan ng mga Pilipino bilang pinakamagaling na lahi sa buong mundo.
Si Mimay na naniniwalang magagawa nang mas mahusay ng mga kababaihan ang mga gawaing bahay kaysa sa mga kalalakihan
Si Juan na may respeto sa natatanging paniniwala at kaugalian na mayroon ang kanyang mga kamag-aral.
