WorksheetsPPSRNP
Total questions: 8
Worksheet time: 3mins
1. Saang lalawigan matatagpuan ang “Underground River?”
A. sa Bicol
B. sa Iloilo
C. Mindoro
D. sa Palawan
2. Ano ang kamangha-manghang tingnan sa loob ng kuweba ng“Underground River?”
A. ang napakalinaw na tubig-ilog
B. ang mga hayop sa loob ng kuweba
C. ang iba’t ibang hugis ng “limestone”
D. ang mga halaman sa loob ng kuweba
3. Bakit kaya dumami ang turistang bumibisita sa “Underground River?”
A. madali lang puntahan ito
B. nakamamangha ang tubig sa ilog
C. naging tanyag ito sa buong mundo
D. pambihira ang hugis ng kuweba sa ilog
4. Bakit dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa paligid ng “Underground River?”
A. dahil ang mga ito ay “endangered” at pambihira.
B. dahil may karapatan ang mga itong mabuhay
C. dahil makukulay ang mga ito at magaganda
D. dahil maaaring pagkakitaan ang mga ito
5. Ano kaya ang kailangan gawin ng lokal na pamahalaan para sa “Underground River?”
A. magtayo ng iba’t ibang “water sports”
B. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan
C. pangalagaan at proteksyunan
D. pagbawalan ang bumibisita dito
6. Ayon sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta sa “Underground River” maliban sa pagpasok sa kuweba?
A. mangisda sa ilog
B. maglaro sa kuweba
C. lumangoy sa tabindagat
D. kumain ng masasarap na pagkain
7. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang ang “Underground River” bilang isa sa Pitong “New Wonders of Nature?”
A. Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.
B. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.
C. Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.
D. Nag-alala dahil magiging mahal na ang pagpunta rito.
8. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistang bumibisita sa “Underground River?”
A. Kaunting halaman lamang ang kunin mula rito.
B. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.
C. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.
D. Ingatan ang pagkuha ng litrato sa Underground River.
