NEW
Font size
WorksheetsG5 Hekasi pre-test
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang tawag sa isang malaking parallel na guhit pangkaisipan na may sukat na 360°. Ito ay matatagpuan sa zero digri latitude (O° latitude)?
a. Tropiko ng kanser
b. International Date Line
c. Ekwador
d. Tropiko ng Kaprikorniyo
2. Ito ay kumakatawan sa simula ng mga guhit longhitud na nasa zero digri longhitud (O°) at may kabuoang sukat na 180°?
a. Prime Meridian
b. Longhitud
c. Latitud
d. Parellel
3. Ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan na tinatayang may karaniwang lalim na 4,000 metro?
a. Karagatang Arctic
b. Karagatang pasipiko
c. Karagatang Atlantiko
d. Karagatang Indian
4. Ang mundo ay nahahati sa dalawang polo. Ano ang tawag sa mga ito na matatagpuan sa pinakamataas at pinakamababang bahagi ng mundo?
a. Tropiko ng kanser at Tropiko ng kaprikorniyo
b. Longhitud at Latitude
c. Polong Hilaga at Polong Timog
d. Parallel at bertikal
5. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng tiyak na lokasyon o absolute location ng isang lugar sa ibabaw ng mundo. Ang pinagsamang guhit latitud at longhitud?
a. Mundo
b. Ekwador
c. Oblate Spheroid
d. Grid
6. Siya ay banyagang nagsabi na ang klima sa Pilipinas ang isa sa may pinakamainanm na klima.
a. Isaac Newton
b. Dr. Dean Worcester
c. Charles Darwin
d. Galileo Galilei
7. Ito ay tumutukoy sa dami ng water vapor sa atmospera at isa rin sa mahahalagang salik sa pagkakaiba-iba ng klima sa mga lugar sa bansa?
a. Habagat
b. Amihan
c. Halumigmig
d. Ulan
8. Ang bansang kabilang sa tropical dahil sa lokasyon nito sa Mundo sa pagitan ng mga lalitud 4°23´ at 21°25´ Hilaga at sa pagitan ng mga longhitud 116°00´ at 127°00´?
a. Pilipinas
b. Malaysia
c. America
d. Indonesia
9. Ang tawag sa maalinsangang panahon sa halos buong kapuluan ay bunga ng pagkakaroon ng klima at mataas na porsiyento ng water vapor sa atmospera?
a. Humudity
b. Temperature
c. Dami ng ulan
d. Pag-ihip ng hangin
10. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa na pinaniniwalaan ni?
a. Dr. Dean Worcester
b. Dr. Balley wills
c. Felipe Landa Jocano
d. Dr. Henry Otley Beyer
11. Anong samahan ang nagpatibay ng mga batas na may kinalaman sa teritoryong pantubig ng bansa?
a. ASEAN
b. UNCLOS
c. DFA
d. United Nations
12. Ano ang tawag sa taong natagpuan ni Dr. Armand Mijares sa isa sa mga kuweba sa Cagayan?
a. Taong Tabon
b. Taong Bato
c. Taong Caliao
d. Taong Ibon
13. Sino ang itinuturing na Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya na naniniwala na ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes?
a. Dr. Bailey Wills
b. Wilhelm Solhelm II
c. Dr. Henry Otley Beyer
d. Peter Bellwood
14. Sino ang nagpasikat ng Teoryang Pandarayuhan na kilala rin sa tawag na wave migration theory?
a. Dr. Robert J. Fox
b. Dr. Henry Otley Beyer
c. Dr. Balley Wills
d.. Dr. Peter Bellwood
15. Sino ang nangunguna sa paniniwalang ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan?
a. Peter Bellwood
b. Wilhelm Solhelm II
c. Dr. Balley Wills
d. Dr. Henry Otley Beyer
16. Ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis ay nagdudulot ng iba’t ibang oras sa mga lugar sa mundo.
a. Tama
b. Mali
17. Laging mataas ang temperature sa mataas na latitude dahil direkta itong nasisikatan ng araw.
a. Tama
b. Mali
18. Ang Karagatang Indian ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan.
a. Tama
b. Mali
19. Sa panahon ng autumnal at vernal equinox ay pantay ang araw at gabi sa buong mundo.
a. Tama
b. Mali
20. Ang pagkakaiba-iba ng panahon ay bunga ng pagkahilig ng mundo ng 231/2° habang lumiligid sa araw.
a. Tama
b. Mali
