wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tagisan ng Talino sa Filipino (Elimination Round)

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen. Anong pokus ng pandiwa ang mayroon sa pangungusap?

a)

Tagatanggap

b)

Tagaganap

c)

Ganapan

d)

Direksyon

2.

Ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.

a)

Kaukulan

b)

Palayon

c)

Paari

d)

Palagyo

3.

Panghalip na humahalili sa pangngalan sa paraang patanong.

a)

Panao

b)

Pananong

c)

Panaklaw

d)

Pamatlig

4.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng Pangatnig?

a)

Ang pagkakaroon ng mataas at magandang edukasyon ay mahalaga.

b)

Ukol sa Pilipino ang paksa ng usapin.

c)

Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.

d)

Tayong lahat ay magsaya sa nangyaring iyon.

5.

Kagagaling ko lang sa paaralan. Anong aspekto ng pandiwa ang mayroon sa pangungusap?

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Perpektibong Katatapos

6.

Ilan ang titik na bumubuo sa unang alpabeto ng Pilipinas na alibata o baybayin?

a)

17

b)

29

c)

20

d)

31

7.

7. Alin ang nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pagbabago sa alpabetong Filipino?

a)

Alifbata > abakada > alpabetong Filipino

b)

Alifbata > alpabeto > abakadang Filipino

c)

Alifbata > abecederio > abakada > alpabeto

d)

Alifbata > abakada > abecederio > alpabeto

8.

Ang component na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramarika.

a)

Sosyo-lingguwistik

b)

Gramatika

c)

Diskorso

d)

Strategic

9.

Ito ay panghalip na humahalili sa ngalan ng tao.

a)

Panao

b)

Pananong

c)

Panaklaw

d)

Pamatlig

10.

Nasira mo ang mga props para sa play. Anong pokus ng pandiwa ang mayroon sa pangungusap?

a)

Tagaganap

b)

Layon

c)

Ganapan

d)

Tagatanggap

11.

Ito ang uri ng pandiwang mayroong tuwirang layon tumatanggap sa kilos.

a)

Katawanin

b)

Aspekto ng pandiwa

c)

Palipat

d)

Imperpektibo

12.

Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na may pandiwa?

a)

Si Allan ay isang magandang lalaki.

b)

Tumatawa ng mag-isa si Erly sa sulok.

c)

Ang mga bata ay masasaya.

d)

Malayo ang kanilang pinanggalinagn.

13.

Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos na o nakalipas na.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Perpektibong Katatapos

14.

Ang komunikasyon na kilabibilangan ng liham, e-mail, SMS at iba pang social media o short messaging system na lalong kilala bilanf text message, gayundin ang mga mensaheng ipinadadala natin sa pamamagitan ng social networking site tulas ng pakikipag-chat sa Messenger, pagpo-post sa at pagkokomento sa Facebook, Twitter, Instagram at iba.

a)

Berbal

b)

Di-berbal

c)

Pasulat

d)

Padamdam

15.

Ang sandok ay ipinangkuha ni Ate Flor ng adobong manok sa kawali. Anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

a)

Layon

b)

Gamit

c)

Tagaganap

d)

Sanhi

16.

Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ____________ ang asul? Ibigay ang tamang pangatnig para sa pangungusap.

a)

at

b)

ngunit

c)

o

d)

kaya

17.

Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase. Anong uri ng pangatnig ang ginamit sa pangungusap?

a)

Panlinaw

b)

Pandagdag

c)

Sanhi

d)

Panubali

18.

Alin sa mga salita ang naiiba sa kategorya ng pangngalan? ( doktor - pulis - artista - kotse)

a)

doktor

b)

pulis

c)

artista

d)

kotse

19.

Diyan tayo pupunta sa Sabado. Anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap?

a)

Panaklaw

b)

Pamatlig

c)

Panao

d)

Pananong

20.

Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a)

Pamaraan

b)

Pankilala

c)

Panlunan

d)

Pamanahon