WorksheetsQuiz Bee 2021
Total questions: 25
Worksheet time: 35mins
Alin ang kahulugan ng tama sa pangungusap na ito? “Sana ay tama ang aking naging desisyon,” bulong ni Gng. Matapat.
wasto
nararamdaman ng katawan
mali
katamtaman
Base sa pagkakagamit sa pangungusap, alin ang kasingkahulugan ng salitang naipunla? Naipunla sa isip ng tao ang kanyang
kagitingan kaya hindi siya malimot-limutan.
naitanim
nakapula
nakalimutan
nabura
Anong tayutay ang ginamit sa pangungusap na ito? Galit na galit na ang kalikasan sa kasamaan at kapabayaan ng tao.
simili o pagtutulad
metapora o pagwawangis
personipikasyon o pagsasatao
hyperbole o pagmamalabis
Ilan ang panghalip sa pangungusap na ito? “Ilan ang napangiti mo ngayon?” usisa niya.
1
2
3
4
Aling pangngalan ang ginamit bilang simuno? Para sa mga mamamayan ang pagsisikap ng alkalde na malutas ang anumang suliranin ng lungsod.
mamamayan
alkalde
pagsisikap
lungsod
Alin ang pang-abay sa pangungusap na ito?
Hindi inabuso ni Pangulong Carlos P.
Garcia ang kanyang kapangyarihan.
Hindi
Pangulong Carlos P. Garcia
inabuso
kapangyarihan
Anong uri ng payak na pangungusap
ito? Ang pamilya ay sabay-sabay na lumuhod at nanalangin
sa Panginoon.
Payak na simuno at payak na panaguri
Payak na simuno at tambalang panaguri
Tambalang simuno at payak na panaguri
Tambalang simuno at tambalang panaguri
Alin ang aspekto ng pandiwa ng
pangungusap na ito? Ang maliliit ngunit
maaayos ko pang damit
ay ibibigay ko sa iba.
pangnagdaan
pangkasalukuyan
panghinaharap
katatapos
Alin ang publikasyon
na naglalaman ng balita, tampok na
kuwento, komentaryo, anunsiyo, at iba pa na inilalathala araw-araw?
magasin
brochure
pahayagan
komiks
Saang bahagi ng pahayagan
matatagpuan ang balita sa
iba’t ibang bansa?
paglalarawang tudling
balitang pandaigdig
tanging lathalain
anunsiyo klasipikado
Aling pangungusap ang di-karaniwan ang ayos?
Kaban ng yaman ang magandang asal.
Sa matanda nagmumula ang ibinabait ng bata.
Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
Sinasamahan ng hila ang tunay na anyaya.
Aling pangungusap ang may pahambing na patulad?
Magsimbait ang kambal na anak nina G. at Gng. Roxas.
Di -gasinong mahiyain ang batang iyon kaysa sa kanyang katabi .
Higit na palabasa ang kuya ko kaysa sa ate ko.
Mas aktibo ang aking nanay kaysa sa aking tatay
pagdating sa mga gawaing pampalakasan.
Aling salawikain ang tumutukoy sa
maagap na pagtulong sa kapwa?
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Huwag namang sobra ang iyong katipiran,
baka isang araw ay kumulo ang tiyan.
Matapang ka nga, hindi naman nag-iisip, ang kahihinatna’y balon ng panganib .
Pag may hirap, may ginhawa .
Aling pangungusap ang may panghalip panaklaw?
Anuman ang suliranin, laging piliin ang solusyong wasto at hindi kagustuhan lamang.
Kami ay nakikipagtulungan lagi sa pangkat
Iyan ba ay naipagpaalam mo na sa iyong magulang?
Paliwanag nino ang mas malinaw?
Aling pangungusap ang may payak na kayarian?
Naghangad siya ng kagitna
ngunit isang salop ang nawala.
Pulutin ang mabuti at ang masama ay iwaksi .
Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili.
Marami ang matapang sa bilang
ngunit ang buo ang loob ay iilan .
Aling pangungusap ang may pangngalang pantangi?
Gawin agad ang proyekto kahit na matagal pa ang pasahan nito upang hindi magahol sa oras.
Mahimbing ang tulog ng taong malinis ang konsensiya at walang nilolokong tao.
Uminom ng walong basong tubig araw-araw
para matulungan ang katawang maging malinis.
Dove ang ipinagagamit na sabon ng doktor niya sapagkat ang kanyang balat ay nanunuyot.
Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang gumamit ng salitang
magalang bilang pang-abay?
Magalang na anak ang nagpapaalam sa
magulang bago umalis ng bahay.
Ang pagtaas ng kamay at pagtayo upang sabihin
ang sagot ay gawain ng magalang na mag-aaral.
Si Marlon ay kilalang magalang na empleyado.
Magalang na sumagot sa telepono ang kapatid ko.
Alin sa mga sumusunod na pangkat ang
halimbawa ng pangngalang basal?
kalayaan kalakasan kalaro kalabaw
katarungan katapangan katalinuhan katakawan
pangarap panga pangako pangil
pagkakaisa pagpupunyagi pag-asa pagong
Aling pangungusap ang ginamitan ng
wastong pang-ukol?
Labag sa kalooban ko ang tanggihan ang iyong hiling ngunit ito ang nararapat kong gawin.
Ayon kay guro, ang klase ay dapat na
makipagtulungan sa lahat ng gawain.
Tungkol kay problemang kinakaharap ng
kabataan ang paksa ng talakayan kanina.
Alinsunod kay K-12 curriculum ang aklat namin sa Filipino 5.
Alin ang pangungusap na ginamitan ng pang-uring pamilang na isa?
Ang isa ay matapang na umawat sa dalawang lalaking
nagkakasakitan habang ang iba ay nakatingin lamang.
Ang isa ay nangibabaw sa husay sa
pagtatalumpati kaya siya ay pinalakpakan
ng mga manonood.
Ang isang politiko ay hinahangaan sa pag-aalis ng sagabal sa kalsada sa loob lamang ng ilang araw na panunungkulan bilang alkalde.
Napakalinaw ng pagpapaliwanag ng isa kaya
lubha itong naintindihan ng madla.
Alin ang panghalip sa pangungusap
na ito? Pinagbubutihan niya ang
kanyang pag-aaral.
(a)
Anak ako ng kapatid mo. Ano mo ako?
(a)
Isulat kung ng o nang ang dapat
gamitin sa pangungusap na ito. Inamin
(a) ninenerbiyos na bata ang kanyang
nagawang pagkakamali.
Sa Filipino, paano isinusulat ang
salitang bilang ng 17?
(a)
Ano ang di-karaniwang
pandiwang mabubuo sa pamamagitan
ng pagsasama ng panlaping mang- at salitang-ugat na takot?
(a)
