WorksheetsESP 1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng talento at kakayahan.
a. maglaba, maglaro, magsaing
b. kumanta, magsayaw, gumuhit ng larawan
. magsalita, manood ng sine, maligo
d. maghugas ng kamay, magbilang ng upuan, umiyak
2. Dahil meron tayong taglay na kakayahan at talento, tayo ay maituturing na ______?
a. mabait
b. matalino
c. espesyal
d. palakaibigan
3. Ang paniniwala natin sa ating kakayahan ay nagbibigay sa atin ng ______ ?
a. maraming laruan
b. lakas ng loob
c. masasarap na pagkain
d. mataas na marka sa paaralan
4. Ang “Hudhud” ay halimbawa ng isang katutubong _____.
a. sayaw
b. tula
c. awit
d. damit
5. Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa ating kakayahan sa pamamagitan ng ______.
a. laging pagsasanay nito
b. laging pagrereklamo tungkol dito
c. laging pag-iwas na makita ito ng iba
d. pagiging laging malungkot dahil dito
6. Halos lahat ng tao ay ______ ng/ ang talento at kakayahan?
a. magkakaiba
b. magkakatulad
c. nagpapalitan
d. namimigay
7. Dapat tayong ______ dahil sa bigay sa ating talento at kakayahan.
a. magyabang
b. malungkot.
c. magalit
d. magpasalamat
8. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita sa iba ang taglay mong talento?
a. manood ng telebisyon sa bahay ng kamag-aral
b. sumali sa mga paligsahan
c. ipagyabang sa iba ang taglay na talento
d. magtago lang palagi sa bahay
9. Ang taglay na talento at kakayahan ay dapat ibahagi sa iba at ______ .
a. sabihin sa kaibigan na huwag ipagkalat
b. ipagmayabang sa ibang tao
c. ipagpasalamat
d. ipang-inggit sa kapuwa
10. Dapat nating _____ ang ating kakayahan kapag tayo ay kinakabahan
a. itago na lang
b. ipakita pa rin
c. huwag aminin
d. kalimutan
