NEW
Font size
WorksheetsMADALI (EASY ROUND)
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
A. panitikan
B. alamat
C. kuwentong bayan
D. mitolohiya
Ama ng Balagtasan
A. Lope K. Santos
B. Francisco Balagtas Baltazar
C. Manuel Luis Quezon
D. Jose Rizal
Sumulat ng Pambansang Awit ng Pilipinas
A. Julian Felipe
B. Jose Palma
C. Apolinario Mabini
D. Emilio Jacinto
Ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng tunog sa hulihan o ng mga huling salita sa bawat taludtod ng tula.
A. Tugma
B. Sukat
C. Saknong
D. Tunog
Ang Ama ng Wikang Pambansa
A. Lope K. Santos
B. Francisco Balagtas Baltazar
C. Manuel Luis Quezon
D. Jose Rizal
Mga kwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na sila mismo ang pinagmulan.
A. alamat
B. kwentong bayan
C. mitolohiya
D. panitikan
Ilang titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino?
A. 32
B. 28
C. 26
D. 21
Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
A. Tugma
B. sukat
C. saknong
D. tunog
Saan ibinatay ang pagbigkas sa mga titik ng alpabetong Filipino?
A. Tagalog
B. Ingles
C. Espanyol
D. Bisaya
Ang kilos ay hindi pa natatapos sapagkat ito’y hindi pa nasisimulan.
A. perpektibo
B. imperpektibo
C. kontemplatibo
D. aspektong katatapos
Sa antas ng hambingan, ano ang tawag sa mga pang-uring ginagamit sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook o pangyayari?
A. lantay
B. katamtaman
C. pahambing
D. pasukdol
Kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagaganap ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa, ano ang pokus ng pandiwa rito?
A. pokus sa tagatanggap
B. pokus sa tagaganap
C. pokus sa ganapan
D. pokus sa layon
Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasabing ang kilos ay sinimulan at hindi pa natatapos?
A. perpektibo
B. imperpektibo
C. kontemplatibo
D. aspektong katatapos
Ang katagang nagsasabi kung ang pangngalan o panghalip ay ginagamit na paksa o kaya’y ginagamit na layon ng pangungusap.
A. pang-ukol
B. pantukoy
C. pangatnig
D. pang-uri
______________: Pambansang Wika :: ___________: mamamayan sa Pilipinas (sa wikang Tagalog)
A. Pilipino; Filipino
B. Pilipinas; Pilipino
C. Filepino; Pilipino
D. Filipino; Pilipino
