NEW
Font size
WorksheetsMAHIRAP (DIFFICULT ROUND)
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ito ay ang makabuluhang tunog sa Filipino.
A. ponema
B. morpema
C. ponolohiya
D. morpolohiya
Ang pagitan ng dalawang babagtingang pantinig na dinaraanan ng hangin upang makalikha ng iba’t ibang tunog sa pagbigkas
A. gilagid
B. glottis
C. ngalangala
D. glottal
Ang mga babagtingang pantinig na nagdidikit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog.
A. gilagid
B. glottis
C. labi
D. glottal
Alinmang patinig na sinusundan ng mala-patinig na /y/ at /w/ sa isang pagpapantig ay tinatawag na _____.
A. niponggo
B. klaster
C. diptonggo
D. pares minimal
Siya ang naglapat ng musika sa pambansang awit ng Pilipinas.
A. Julian Felipe
B. Jose Palma
C. Apolinario Mabini
D. Emilio Jacinto
Sa Noche Buena, kami ay maghahanda ng _______ at keso de bola.
A. hamón
B. hamon
C. hamòn
D. hamôn
Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng mga morpema sa pagbuo ng mga salita ng isang wika.
A. ponolohiya
B. morpolohiya
C. palabuuan
D. mitolohiya
Ito ay ang pagpapalitan ng posisyon ng mga tunog sa isang salitang nilalapian. (lipad+-in=linipad=nilipad)
A. asimilasyon
B. anti-tesis
C. metatesis
D. sintaksis
Ito ang pagbabagong karaniwang nangyayari sa tunog na /ng/ sa mga panlaping pang-, mang-,hing-, sing- dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog. (Hing- +bagsik =hingbagsik=himbagsik=himagsik)
A. anti-tesis
B. asimilasyon
C. metatesis
D. sintaksis
Ama ng Maikling Kwento
A. Jose Corazon de Jesus
B. Jose Dela Cruz
C. Deogracias A. Rosario
D. Lope K. Santos
Kinilala sa akdang Fray Butud; at unang patnugot ng La Solidaridad
A. Antonio Luna
B. Graciano Lopez Jaena
C. Juan Luna
D. Emilio Aguinaldo
Ang nagtatag ng Kauna-unahang academia militar sa Pilipinas at kilala sa tawag na “Taga-Ilog”.
A. Antonio Luna
B. Graciano Lopez Jaena
C. Juan Luna
D. Emilio Aguinaldo
Ito ay maaaring kataga o mga salitang nag-uugnay ng pangngalan at panghalip sa iba pang bahagi ng pananalita na ginagamit sa pangungusap.
A. pang-ukol
B. pantukoy
C. pangatnig
D. pang-uri
Ama ng Nobelang Pilipino; sumulat ng Nena at Neneng
A. Amado V. Hernandez
B. Valeriano Peña Hernandez
C. Lope K. Santos
D. Levi Celerio
Ama ng Dulang Pilipino; may-akda ng Sarsuwelang Walang Sugat.
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Severino Reyes
C. Honorata Dela Rama
D. Levi Celerio
