Font size
WorksheetsPagsasanay - Aralin 1
Total questions: 10
Worksheet time: 13mins
Piliin ang titik nang tamang sagot.
Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar na ito ay . . .
mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao
ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao
katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak
Piliin ang titik nang tamang sagot.
Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagpatupad siyang kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang pisikal na anyo ay dapat kitilin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na . . .
masipag at mapagmalaki ang sultan
malapit sa kanya ang mga tauhan
kitatakutan at sinusunod ang makapangyarihang sultan
Piliin ang titik nang tamang sagot.
"Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan," ang pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay . . .
mapagtimpi
matigas ang kalooban
mapaghiganti
Piliin ang titik nang tamang sagot.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na . . .
mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan
mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang
malakas ang kanyang loob at hindi basta sumusuko
Piliin ang titik nang tamang sagot.
Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang-isip sina Usman at Potre Maasita na tumulong sa ibang kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mahihinuhang ang taumbayan ay . . .
nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno
nag-aalala na baka ang susunod na pinuno ay malupit ding tulad ng nauna
namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura
Muling binalikan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz, ang pagkapanalo niya ng ginto sa Tokyo Olympics nito lamang Lunes.
Sa panayam ng "Magandang Buhay" nitong Huwebes sa pamamagitan ng Zoom, ikinuwento ni Diaz na ang paniniwalang maraming Pilipino ang nagdarasal para sa kanyang pagkapanalo ang iniisip niya nang buhatin niya ang 127kgs na barbell.
Pahayag na nagpapatunay
Hindi nagsasad ng patunay
Maraming mga Pilipino ang umaasa pa rin sa ngayon na magbabago ang kani-kanilang buhay pagkatapos ng pandemya.
Pahayag na nagpapatunay
Hindi nagsasad ng patunay
Sa panahon ng pandemya, huwag sana nating maranasang masalanta pa sapagkat marami na ang naghihirap.
Pahayag na nagpapatunay
Hindi nagsasad ng patunay
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Pahayag na nagpapatunay
Hindi nagsasad ng patunay
Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto, itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang temang ”Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” na naglalayon na itanghal ang pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.
Pahayag na nagpapatunay
Hindi nagsasad ng patunay
