Font size
WorksheetsKahulugan at Kabuluhan ng Wika
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang tawag sa taong nag-aaral ng wika?
dalubhasa
dalubwika
siyentipiko
wikahasa
Sinong dalubwika ang nagsabi na ang wika ay "Ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging salita?"
Henry Sweet
Henry Gleason Jr.
Ferdinand de Saussure
Bro. Andrew Gonzales
Ayon kay Nuncio, anong kabuluhan ng wika ang tumutukoy sa paggamit nito sa mga akdang pampanitikan at kasaysayan na nagpapaunlad ng kaisipan ng tao?
Imbakan ng kultura
Gamit sa talastasan
Lumilinang sa pagkatuto
Saksi sa panlipunang pagkilos
Ang wika at komunikasyon ay magkaugnay na konsepto. Katunayan, ang wika ay ginagamit sa mga makrong kasanayan ng komunikasyon. Ano ang mga ito?
pagbasa
pagsulat
pagsasalita
pakikinig
Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol sa wika?
Ginagamit ang wika sa pagsasalin ng mga akda.
Wika ang daan sa pagkakaunaawaan ng mga tao.
Wika ang nag-uugnay sa atin upang makipag-usap sa kapwa.
Ang wika ay hindi nagbabago sa pagdaan ng panahon.
Alin sa sumusunod na sektor ng lipunan ang hindi itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika?
relihiyon
ekonomiya
pamilya
edukasyon
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kabuluhan ng wika?
Sinabi ni Anton kay Thea na nagustuhan niya ang niluto nitong tinolang manok.
Kinawayan ni Harold ang kaibigang nakita sa mall.
Inirapan ni Rose ang nakaaway na kaklase.
Tumango si Mr. Perez bilang pagsang-ayon sa panukala ni Alfred.
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita na ang wika ay lalagyan o imbakan ng kultura?
Ikinuwento ni Lola kung ano ang naging buhay nila noong Panahon ng mga Hapones.
Araw-araw na nagsusulat sa kaniyang diary si Dianne.
Itinala ni Dr. Bautista ang mga oral na panitikan ng isang etnolingguwistikong pangkat sa Visayas.
Sumulat si Jerome ng isang libro tungkol sa mga tradisyunal na sayaw at ritwal ng mga Mangyan.
Ayon kay Henry Gleason Jr., "ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon." Ano ang ibig sabihin ng "masistemang balangkas?"
nagbabago at umuunlad
gumagamit ng mga salita
mahalaga sa komunikasyon
may sinusunod na estruktura
Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita na makapangyarihan ang wika?
Dahil sa panawagan sa midya, agad na nagkaisa ang mga tao na magtipon-tipon para magprotesta laban sa mapanupil at abusadong pinuno.
Umorder ng burger at fries si Marlon sa paborito niyang fastfood chain.
Ipinahayag sa radyo ang nanalong kombinasyon ng numero sa loterya.
Dahil sa sinabi ni Andrea sa kaniyang kaibigan, hindi na sila nag-usap muli at hindi na rin nagpansinan.
