Font size
WorksheetsFILIPINO 6
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
1. Uri ng tauhan na mula sa umpisa ay hindi nagbabago ang katangian o pag-uugali nito hanggang matapos ang pabula.
TAUHANG BILOG
TAUHANG LAPAD
BANGHAY
TAUHAN
2. Elemento ng pabula na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang pabula.
TAUHANG BILOG
TAUHANG LAPAD
BANGHAY
TAUHAN
3. Tinutukoy dito ang kondisyon, panahon, at lugar na pinangyarihan ng kuwento. Dito umiikot ang mga kilos ng tauhan.
ARAL
TAGPUAN
BANGHAY
TAUHAN
4.Uri ng tauhan na nagpakita ng pagbabago sa Katangian o pag-uugali nito hanggang magwakas ang kuwento.
TAUHANG BILOG
TAUHANG LAPAD
BANGHAY
TAUHAN
5. Ang elemento ng pabula na tumutukoy sa mga gumaganap sa kuwento.
ARAL
TAGPUAN
BANGHAY
TAUHAN
6. Elemento ng pabula na tumutukoy sa mahahalagang kaisipan na mapupulot mula sa pabula.
ARAL
TAGPUAN
BANGHAY
TAUHAN
7. Bahagi ng banghay kung saan ipinakikilala ang tauhan, tagpuan, at suliranin ng pabula.
SIMULA
GITNA
WAKAS
KASUKDULAN
8. Bahaging banghay na nagsisilbing tulay tungo sa katapusan at ang resulta ng kuwento.
SIMULA
GITNA
WAKAS
KASUKDULAN
9. Bahagi ng banghay na binubuo ng sistematikong paglalahad ng mga pangyayari mula sa papataas na kasiglahan hanggang sa kapanapanabik na bahagi.
SIMULA
GITNA
WAKAS
KASUKDULAN
10. Isa sa mga pinakamatandang uri ng panitikanna nagtatampok sa mga hayop bilang pangunahing tauhan.
SIMULA
GITNA
WAKAS
PABULA
Ito ay isang uri ng kathang-isip na panitikan na gumagamit ng hayop bilang tauhan sa akda at nagbabahagi ng aral para sa mambabasa.
ALAMAT
DULA
PABULA
NOBELA
Ito ang pabula na inilimbag ni Dr. Jose Rizal.
Nagkamali ng Utos
Pagong at ang Matsing
Ang Uwak at Pabo Real
Bakit Laging Magkaaway ang Aso, Pusa, at Daga
Mahalagang bigyang puna ang mga tauhan na ginamit sa akda dahil:
nakikita natin ang pagiging detalyado ng may-akda
iyon ang pinakaunang gawain sa pagbabasa ng pabula
nasusuri natin kung angkop ang hayop bilang tauhan sa kuwento
naipapakita nito na tayo ay mahilig sa mga akdang kawili-wili at may moral
Sino ang itinuturing na ama ng sinaunang pabula?
Aesop
Confucius
Dr. Jose Rizal
Lao Tzu
“Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag na ito?
nagtatampo
nagagalit
nagulat
naninisi
Napakahusay ng batang iyan. Mabait na matalino pa. Ano ang mahihinuha sa damdamin ng nagsasalita?
paghanga
pagtataka
pagmamalaki
pagkatuwa
kaw, bata ka. Huwag na huwag kang lalayo sa iyong mga kasama. Matuto kang sumunod sa batas ng disiplina. Sabi ng nakatatandang gansa.”
anong digri ng damdaming ipinahahayag nito ?
Naiinis
Nagagalit
Nagpapaalala
Nagbabala
“Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako. Ang sambit ng leon sa Unggoy.” Anong digri ng damdamin ang pinahahayag nito?
Nakikiusap
nag-uutos
Naghihinanakit
Nagmamakaawa
Nag-iwan ng matinding dagok sa buhay ng mga Filipino ang mga unos na dumating sa nakalipas na buwan. Ano ang kahulugan ng salitang dagok?
Kahirapan
Hirap na halos makapanakit na
Kamalasan
Kahirapan na nagmarka na
Mahina ka. Sinasabi ko na, isa ka lamang pabigat tulad ng nangyari kanina. Hindi tayo maaabutan ng ulan kundi dahil sa kabagalan mo. Sagot ni Bert. Anong damdamin ang makikita sa pahayag?
Inis
Asar
Galit
Poot
