WorksheetsTEST- Kahulugan at Kabuluhan ng Wika
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
Maraming mga salitang umuusbong na ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan. Anong Katangian ng wika ang ipinapakita rito?
Ang wika ay kabuhol ng kultura
Ang wika ay tunog
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay nagbabago
Ang wika sa mundo ay may patakarang sinusunod sa pagbubuong parirala at pangungusap. Anong katangian ng wika ang ipinapakita rito?
Ang wika ay sinasalita
Ang wika ay masistemang balangkas
Ang wika ay nagbabago
Ang wika ay arbitraryo
Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa’t isa. Anong katangian ng wika ang ipinapakita rito?
Ang wika ay sinasalita
May kapangyarihang makaapekto sa kaisipan
Ang wika ay masistemang balangkas
May kapangyarihang lumikha
May mga salitang Hapon, Intsik, at Koreano ang magkakatulad ang pagbaybay o ispeling ngunit nagkakaiba ng kahulugan kung ito’y bibigkasin na. Anong katangian ng wika ang ipinapakita rito?
Ang wika ay tunog
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay nagbabago
Ang wika ay masistemang balangkas
May mga salitang hindi mahanapan ng katapat na salita sa isang wika. Anong katangian ng wika ang ipinapakita rito?
Ang wika ay nagbabago
Ang wika ay tunog
Ang wika ay arbitraryo
Ang wika ay kabuhol ng kultura
Unang natutuhan ang pagbabasa kaysa pagsasalita at pagsusulat.
Tama
Mali
Ang Tagalog ang unang naging opisyal na pangalan ng wikang pambansa.
Tama
Mali
Ang wika ay maaaring maging dahilan upang masira nito ang isang pamilyang nagmamahalan.
Tama
Mali
Kung walang kultura walang wika.
Tama
Mali
Maaaring gumamit ng monolingguwal na wika ang Pilipinas.
Tama
Mali
Ang wika ay may sariling isturktura o balangkas na sinusunod.
Tama
Mali
Sa patakarang MTB-MLE ay gagamitin ang unang wika bilang panturo at bilang hiwalay na asignaturang pangwika samantalang ituturo ang Filipino at Ingles bilang mga hiwalay na asignatura.
Tama
Mali
Ang mga mag-aaral na naturuan sa unang wika ay nakararanas ng mas maraming bilang dropout o paghinto sa pag-aaral o kaya’y pag-uulit sa antas.
Tama
Mali
Isa sa mga layunin ng DepEd sa pagpapatupad ng patakarang bilingguwalismo ay makalinang ng mga mamamayang Pilipino na mataas sa pagpapahayag sa wikang Filipino at Ingles.
Tama
Mali
Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
Tama
Mali
Sagutin nang malinaw at mahusay ang mga sumusunod na katanungan. Gawing maikli ngunit makabuluhan.
1. Naaalala mo pa ba kung paano ka natutong magsalita? Kung ikaw ay magkakaanak, paano mo siya tutulungang mapabilis ang pagkatuto ng unang wika?
Ano ang papel na ginagampanan ng ikalawang wika sa pagiging isang malaking pamayanan ng daigidg o tinatawag na borderless world? Paano mo tinutulungan ang iyong sarili na maging bihasa sa ikalawang wika?
Sa iyong pananaw, alin ang higit na mabuti, ang patakaran sa edukasyong bilingguwal o patakaran sa edukasyong multilingguwal? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, mainam ba ang pagiging heterogenous ng wikang ginagamit sa Pilipinas? Bakit oo, bakit hindi?
D. PAGPAPAHALAGA (SYNCHRONOUS)
Sa puntong ito ng aking pag-unawa, pagsusuri, at pagtapos sa mga gawain, napagtanto kong mahalaga ang wika dahil____________________________________________________Maiuugnay ko rin ang mga naging aralin at gawain sa mga core values katulad ng _______________________________________________________________________
dahil____________________________________________________________________________________________.
