Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Wenceslao Q. Vinzons

Total questions: 40

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Kilala siya bilang "Dakilang Bayani ng Bikolandia" at "Ama ng Aktibismo ng mga Mag-aaral ng Pilipinas." Siya ay may palayaw na Bintao

a)

Jose Maria Panganiban

b)

Wenceslao Quinito Vinzons

c)

Salvador Lopez

d)

Wenceslao Guinto Vinzons

2.

Kailan ipinanganak si Wenceslao Vinzons?

a)

Setyembre 28, 1920

b)

Setyembre 10, 1899

c)

Setyembre 19, 1911

d)

Setyembre 28, 1910

3.

Bilang pagpupugay sa kanya, ang bayan ng Vinzons sa Camarines Norte ay ipinangalan sa kanya. Ito ang dating ngalan ng bayan kung saan siya isinilang at lumaki.

a)

Indan, Camarines Norte

b)

Mambulao, Camarines Norte

c)

Imelda, Camarines Norte

d)

Bara, Camarines Norte

4.

Anong pangalan ng kanyang mga magulang?

a)

Gabino Venida at Engracia Quinito

b)

Gabino Venida - Vinzons at Engracia Elep - Quinito

c)

Serafín Vinzons at Baldomera Venida

d)

Rosalío Quinito at Cipriana Elep

5.

Siya ay bininyagan noong ika-5 ng Oktubre 5, 1910 ni Padre Marciano Bamba sa Parokya ni San Pedro Apostol. Isa sa mga kilala niyang ninong ay si?

a)

Angel Anz

b)

Mariano Gomez

c)

Pedro Burgos

d)

Jaime Jacinto

6.

Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Indan bilang 'Valedictorian.' Siya ay nagtapos din bilang 'Valedictorian' sa lokal na paaralan na?

a)

Camarines Norte National High School

b)

La Consolacion College of Daet

c)

Camarines Norte State College - Abaño Campus

d)

Camarines Norte High School

7.

Siya ay nag-aral sa isa sa pinakasikat na pamantasan sa bansa na mayroong sawikaing "Dangal at Kagalingan"

a)

Escuela Municipal de Manila

b)

Unibersidad ng Pilipinas

c)

Unibersidad ng Sto. Tomas

d)

Colegio de San Juan de Letran

8.

Naiuwi niya ang gintong medalya ni Quezon dahil sa kanyang kahusayan sa anong larangan at patimpalak?

a)

UP Oratorical Contest

b)

Ateneo Debate Challenge

c)

Benildean Extemporaneous Contest

d)

Tomasian Speech Contest

9.

Dahil sa kanyang husay sa pananalita at pagbibigay ng pampublikong diskurso sa isang timpalak na isinagawa ng UP, naiuwi niya ang medalyang ito.

a)

Carlos Palanca Memorial Award for Literature

b)

Ramon Magsaysay Award

c)

Quezon Gold Medal

d)

Best Debater Award

10.

Sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo, siya ang naging pangulo ng anong samahan ng mga mag-aaral sa kanilang pamantasan?

a)

UP Student Council

b)

Supreme Student Government

c)

Stand UP

d)

Go UP

11.

Siya ay isa ring Punong Patnugot ng kanilang pamantasan na nagsulat ng mga editoryal at balita laban sa ganid na pamahalaan at pananakop. Ito ay ang patnugutang?

a)

Philippine Collegian

b)

The Varsitarian

c)

Matanglawin

d)

The Benildean

12.

Siya ay isa sa mga unang naging tagapagtatag ng samahang ito, at siya rin ang naging unang pangulo. Ang samahang ito ay kasalukuyan pa ring kumikilos sa buong bansa dahil sa pagkitil ng kalayaan ng pamamahayag.

a)

College Editors Guild of the Philippines

b)

Gabriela

c)

National Editorial Board

d)

Sumulong

13.

Kilala siya sa pagbibigay ng talumpating naghimok sa lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na magkaisa. Ano ang pamagat nito?

a)

Descendants of the Sun

b)

Perlas ng Silangan

c)

We Win As One

d)

Malaysia Irrendenta

14.

Nakuha ni Vinzons ang kaniyang degree sa Batas mula sa Unibersidad ng Pilipinas - Kolehiyo ng Batas noong ?

a)

1931

b)

1930

c)

1932

d)

1929

15.

Sa gitna ng marami niyang extra-curricular na mga gawain, isa siya sa mga mag-aaral na namayagpag sa Bar Examination. Nakapang-ilan siya rito?

a)

Topnotcher

b)

Ika-apat

c)

Ikalawa

d)

Ikatlo

16.

Siya rin ang naging team captain ng isang samahan kasama sina Ambrocio Padilla, Arturo Tolentino at Estanislao Fernandez. Anong samahan ito?

a)

UP Debating Team

b)

UP Debating Society

c)

Ateneo Debate Team

d)

Ateneo Argument Alliance

17.

Sa anong kapatiran o fraternity napabilang si Bintao noong siya ay nasa Kolehiyo?

a)

Upsilon Sigma Phi

b)

Alpha Phi Omega

c)

Tau Gamma Phi

d)

Alpha Kappa Rho

18.

Sino-sino ang nakasama ni Bintao sa pagtaguyod ng isang partido-politikal pagkatapos niyang makapag-aral?

a)

Narciso J. Alegre at Arturo Tolentino

b)

Jose Maria Panganiban at Emilio Aguinaldo

c)

Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay

d)

Ambrocio Padilla at Estanislao Fernandez

19.

Anong pangalan ng partidong binuo ni Wenceslao Vinzons?

a)

Young Achievers Party

b)

Youth Advocates of the Philippines

c)

Ako Bicol Partylist

d)

Young Philippines Party

20.

Noong 1935, ikinampanya niya si Aguinaldo sa pagkapangulo, ngunit nanalo si Quezon nang may malaking bilang, ngunit natalo siya sa tatlong lalawigan. Ito ang mga lugar kung saan nagmula sina Aguinaldo, Aglipay at Vinzons. Saan-saan ito?

a)

Manila, Bulacan at Camarines Sur

b)

Pangasinan, Laguna at Legazpi

c)

Ilocos, Cavite at Camarines Norte

d)

Camarines Norte, Cebu at Davao

21.

Ang batas na ito ay kilala bilang Batas sa Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay naipasa nang dahil sa iminungkahi ni Vinzons para sa kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

a)

Batas Tydings - McDuffie

b)

Batas Militar

c)

Batas Konstitusyon 1935

d)

Batas Hare–Hawes–Cutting

22.

Pagkatapos mapasa ang Batas Tydings-McDuffie, nahalal si Vinzons sa pagkatawan sa Camarines Norte kasama si Baldomero M. Lapak sa Kumbensiyon ng Saligang Batas ng 1935 bilang?

a)

delegado o kinatawan

b)

pinuno o pangulo

c)

tagapagsalita o spokesperson

d)

chikadora

23.

Isa si Vinzons sa mga pinakabatang gobernador na naihalal sa buong Pilipinas. Sa anong taon siya naihalal bilang gobernador ng Camarines Norte?

a)

1940

b)

1939

c)

1941

d)

1938

24.

Ilang araw pagkatapos dumating ang mga Hapon sa Pilipinas, bumuo si Vinzons ng isang samahan laban sa mga Hapon sa buong Kabikulan. Sinamsam ni Vinzons lahat ng mga taguan ng bigas mula sa?

a)

isang Intsik na negosyante sa Daet

b)

isang minahan sa Paracale

c)

isang coprahan sa Basud

d)

isang paaralan sa Indan

25.

Kilala ang Basud dahil sa Bantog na Pinaglabanan Shrine. Dito pinamunuan ni Vinzons ang isang pagsalakay sa mga sundalong Hapon sa Basud. Naganap ito noong?

a)

Disyembre 09, 1941

b)

Disyembre 18, 1941

c)

Disyembre 12, 1941

d)

Disyembre 25, 1942

26.

Ang samahan ng mga gerilya na binuo ni Wenceslao Vinzons na makikipagdigma ay lumaki sa bilang na?

a)

1, 300

b)

4, 200

c)

5, 000

d)

2, 800

27.

Binuo niya ang kilusan kasama ang mga mag-aaral mula sa Philippines, Siam, Malay Peninsula, Dutch East Indies at Polynesia. Ito ay ang?

a)

Pan Malayan Movement

b)

Pandesal Movement Express

c)

Association of Southeast Asian Nations

d)

European Union

28.

Nakamtan ng Daet, ang kabisera ng Camarines Norte ang ganap na kalayaan mula sa mga Hapon dahil kay Wenceslao noong?

a)

Mayo 01, 1942

b)

Hunyo 12, 1943

c)

Mayo 02, 1943

d)

Hunyo 12, 1946

29.

Matapos kumalat ang digmaan sa bansa, binuo niya ang unang citizen army ng bansa at matapos ang 10 araw ng pagbomba sa Pearl Harbor at Clark Airfield, sila ay inambush ng mga Hapon sa anong bayan sa Camarines Norte?

a)

Sta. Elena

b)

Talisay

c)

Daet

d)

Basud

30.

Anong uri ng mga sandata ang ginamit ng mga katutubong Aeta sa gerilyang kinasasangkutan ni Vinzons?

a)

sibat

b)

tabak

c)

pana

d)

sundang

31.

Ipinadala ang USAFFE sa kanyang pangkat upang labanan ang mga Hapones. Ano ang ibig sabihin ng USAFFE?

a)

United States Army Forces Far East

b)

Union Station of Army Forces From England

c)

Union of State Armies in Forces From Europe

32.

Gaano karaming Sundalong Hapon ang napatay ng gerilya?

a)

3, 000

b)

1, 200

c)

4, 500

d)

4, 000

33.

Bilang miyembro ng Kumbensiyon, mahalaga ang kanyang papel sa paghubog ng pambansang wika ng Pilipinas. Anong wika ang kanyang iminungkahing dapat natin gamitin?

a)

Bikolano

b)

Ilokano

c)

Tagalog

d)

Bisaya

34.

Si Vinzons ay nadakip ng mga Hapon kasama ng kanyang ama noong?

a)

Hulyo 09, 1942

b)

Hulyo 08, 1942

c)

Hulyo 07, 1942

d)

Hulyo 10, 1942

35.

Tumanggi si Vinzons na pangakuan ng katapatan sa nakahuli sa kanya at dinala sa kampamento ng Hapon sa Daet. Dito sa Daet, siya ay sinaksak ng isang galit na sundalong Hapon sa dahilang sa tuluyang pagtanggi ni Vinzons sa pagpapangako ng katapatan sa Hapon noon?

a)

Hulyo 15, 1942

b)

Hulyo 16, 1943

c)

Hulyo 17, 1942

d)

Hulyo 18, 1948

36.

Anong sandata ang ginamit ng Hapon sa pagpatay sa kanya?

a)

Bayonet

b)

Baril

c)

Lubid

d)

Sibat

37.

Bilang parangal kay Bintao, ang student activity center ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman ay pinangalang Vinzons Hall noong?

a)

1952

b)

1989

c)

1960

d)

2010

38.

Ang Araw ng Kapanganakan ni Bintao na Setyembre 28 ay isang holiday sa Camarines Norte. Ito ay nilagdaan ng konstitusyon batay sa anong proklamasyon?

a)

Proclamation No. 457, s. 1965

b)

Proclamation No. 107, s. 1968

c)

Proclamation No. 548, s. 1969

d)

Proclamation No. 328, s. 1960

39.

Sino sa mga naging Pangulo ng Pilipinas ang lumagda sa Proklamasyong naglalayong kilalanin ang Kaarawan ni Bintao na isang Holiday sa Camarines Norte?

a)

Sergio Osmeña

b)

Manuel Roxas

c)

Diosdado Macapagal

d)

Fidel V. Ramos

40.

Pinaslang si Bintao sa kanyang murang edad. Pati na rin ang kanyang ama, asawa, at mga anak. Ilang taon siya noong siya ay pinatay?

a)

27

b)

31

c)

30

d)

29