Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino sa Piling Larang (Akademik) Repaso Bilang #2

Total questions: 25

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad din sa bahaging ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel ,sa pananaliksik o paglalagom.

a)

a. pamuhatan

b)

b. kongklusyon

c)

c. nilalaman

2.

Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.

a)

a. nilalaman

b)

b. introduksyon

c)

c. bating panimula

3.

Naglalaman ito ng titulo ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagka-sulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.

a)

a. katawan

b)

b. nilalaman

c)

c. pamagat

4.

Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.

a)

a. Paglalarawan

b)

b. Paglalahad

c)

c. Pangangatwiran

5.

Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.

a)

a. Pagsasalaysay

b)

b. Paglalahad

c)

c. Paglalarawan

6.

Ipinapahayag dito ang opinyon o argumentong pumapanig o suma-salungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.

a)

a. Paglalarawan

b)

b. Paglalahad

c)

c. Pangangatwiran

7.

Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.

a)

a. Pormal

b)

b. Di- pormal

c)

c. Kumbensyonal

8.

Ito ay mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang personal na sulatin.

a)

a. Pormal

b)

b. Di- pormal

c)

c. Kumbensyonal

9.

Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto.

a)

a. Pormal

b)

b. Di- pormal

c)

c. Kumbensyonal

10.

Nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.

a)

a. Pagsasalaysay

b)

b. Paglalahad

c)

c. Pangangatwiran

11.

Nobela

a)

a. abstrak

b)

b. sinopsis

c)

c. bionote

12.

Disertasyon

a)

a. abstrak

b)

b. sinopsis

c)

c. bionote

13.

Curriculum Vitae

a)

a. abstrak

b)

b. sinopsis

c)

c. bionote

14.

Biodata

a)

a. abstrak

b)

b. sinopsis

c)

c. bionote

15.

Pamanahong papel

a)

a. abstrak

b)

b. sinopsis

c)

c. bionote

16.

Isinusulat ang lagom na ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Gumagamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod ng gagawin.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

17.

Sa pagsulat ng lagom na ito, marapat na maisulat lamang nang maikli, kung ito ay gagamitin sa resumé, kailangang maisulat ito gamit ang 200 na salita, kung ito naman ay gagamitin sa networking site, sikaping maisulat lamang sa loob ng 5 hanggang 6 na pangungusap.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

18.

Bagama’t ito ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang element o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

19.

Ito ay ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

20.

Ito ay kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad, maikling kuwento, salaysay, nobela, dula at iba.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

21.

Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na teknikal at siyentipiko, lektyur at mga report.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

22.

Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

23.

Ito ay pagkakakilanlan sa awtor na madalas makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites at iba pa.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

24.

Sa pagsulat ng ganitong buod Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may akda, at pinanggalingan ng akda.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis

25.

Sa pagsulat ng lagom na ito ay iniiwasan ang paglalagay ng mga statistical figures o table, sapagkat hindi ito nangangailangan ng detelyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humabo ito.

a)

a. bionote

b)

b. abstrak

c)

c. sinopsis